Archive for July, 2006

bored to death

Friday, July 28th, 2006

taena ang boring sa office.  sabado kasi.  wala pang klase ang grad school.  haay.

kahapon sweldo. tuwing titignan ko sweldo ko eh parang gusto ko nang magresign.  lagi ko iniisip "eto lang ba ang katumbas ng utak ko?"  minsan iniisip ko sana pinanganak na lang akong bobo.  pero hindi rin.  pasalamat ako at hindi ako bobo.  kaso parang unfair.  pero ayos lang.  kung iisipin, maraming nagpapakapagod dyan kakahanap ng trabaho.  samantalang ako e hindi na naranasang mag-aaply.  bago pa grumadweyt may job na.  thank you Lord.  sorry mareklamo ako.

ok rin naman work ko eh.  biro mo mga matataas na tao lagi kong kasalamuha.  abugado, hukom, mahistrado (justice).  sinong mag-aakalang makakamayan ko si justice reynato puno.  at kaibigan ko pa ang hepe ng FED ng crame.  wala ng problema sa paglilisensiya ng baril.  hehehe.  at ngayon eh wala akong takot maghanap ng abugado.  hello?  kakwentuhan ko lang sila madalas.  yung iba judge pa.  ang swerte mo ilaw.  salamat.

ganito pala ang bored.  nababaliw.  ahahahaha.