Archive for November, 2006

love is sweeter the second time around…

Tuesday, November 28th, 2006

katuloy…

nag-usap sina pusa at butiki.  sa una medyo ilang pa si pusa.  pero sa loob-loob nito, nagagalak siya at muling nagbalik ang dating kaibigan.

minsan, kinumusta ng isang kaibigang hayop si pusa.

"balita?" tanong nung kaibigan ni pusa.

"ok naman," sagot ni pusa.

"si butiki?"

"ok naman ata."

"ok na kayo?"

"oo!" sagot ni pusa.  hindi maitatago ang ngiti sa kanyang mukha.

"good."

patlang.

"alam mo pusa, masaya ako para sa iyo."

"bakit?"

"e kasi di ba sabi mo dati na gusto mo bumalik sa dati.  e ngayong andito na si butiki, alam ko masaya ka.  kaya masaya na rin ako."

"salamat."

magkakatuluyan kaya sina pusa at butiki?  tanging si pusa lang ang makakasagot nyan.  sa ngayon, masaya sila sa piling ng isa’t isa.

wakas…?

love is sweeter the second time around, sabi nila.  minsan oo.  minsan hindi.  i believe that the "sweetness" of love will always depend upon the persons involve in it.

sayonara.

Monday, November 27th, 2006

ang mga sumusunod ay unang lumabas sa friendster bulletin noong june 2004.  sinulat ito ng may-akda para tulungan ang isang kaibigan na sawi noong mga panahong iyon…

hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naisipan magsulat. at ang kakaiba pa ay tungkol pa sa hiwalayan. hindi naman ako brokenhearted. wala lang. gusto ko lang magsulat. baka sakaling may matulungan ako e.

madalas paghiniwalayan tayo, iniisip natin na hindi na tayo makakatawid. pero isang araw, magigising na lang tayo at parang walang nangyari. boom! ayos na! parang magic! kaya sa mga brokenhearted, lilipas din ang sakit. maaaring maging matagal pero ang punto roon e LILIPAS din.

sino na ba ang nagkaroon na ng higit pa sa isang kasintahan? isipin na lang natin ang mga una nating break-up. akala natin ‘yon na ang katapusan ng lahat. pero maling akala lang pala. nakatawid tayo. at madalas ay nagkakaroon pa ng bagong pag-ibig. minsan nauulit ang sakit, minsan hindi na. at pag naulit, ganun na naman. aakalain nating hindi natin makakaya. pero isang araw ulit ay magigising tayo at ayos na ang lahat. kasi nga lumilipas ang lahat.

kung first time naman, isipin na lang natin na lilipas. kasi nga talagang lilipas. para hindi lalong panghinaan ng loob, isipin na lang natin na hindi lang tayo ang may ganyang karanasan. isipin natin, kung yung iba nakayanan bakit ako hindi?

e paano kung tayo yung nakipag-break? Ibang usapan yon, sa tingin ko. kasi wala pa akong nakikilalang nakipaghiwalay pero nasaktan nang sobra. oo nasasaktan sila pero hindi ganun kasakit. yung iba nga hindi pa nasasaktan e. nakangiti pa habang nakikipaghiwalay.

payo ko lang po, hayaan natin masaktan ang ating mga sarili. hayaan lang natin na kahit sa maikling panahon ay magpakasenti tayo, magdrama, umiyak. normal yun e. kasi ang emosyon dapat nilalabas. pero sana sa mabuting paraan. Baka mamaya maglasing tayo gabi-gabi. ayos lang uminom. pero hindi ang maglasing. kung gusto natin mag-yosi, shoot! basta ang point ko e yung hindi makakasama sa atin lalo na sa iba. basta isang araw, magigising tayo at ayos na ang lahat. wala na yung sakit. hindi ko alam kung kailan yung "isang araw" na yon pero ang alam ko darating yun. nasa pag-proseso na lang natin kung gaano katagal. pag dumating yung araw na yun, at binabasa mo ito, at isa ka sa mga nakaka-relate dito, maiisip mo na kahit papaano tama ako.

tandaan: lahat lumilipas at isang araw ayos na ang lahat.

sana may naitulong ako. salamat!

PUSA NAMAN OO…

Monday, November 27th, 2006

sa isang malayong kaharian ng kahayupan (animal kingdom), may isang pusa.  ang pusang ito ay katulad din ng ibang pusa sa itsura.

ang pusang ito ay may kaibigang butiki.  malapit talaga ang loob nila sa isa’t isa.  sadyang makulay ang kanilang buhay.  lingid sa kaalaman ni pusa, may lihim na pagtingin pala sa kanya si butiki.  kaya lang si butiki torpe.  kaya ayun, olats, walang nangyari.  nanatili lang sila sa kung ano sila…friends lang!

tapos, isang araw, bigla na lang hindi nagparamdam si butiki kay pusa.  walang pasintabi, bigla na lang siya lumayo.  dinamdam ito ni pusa.  "bakit kung kailan namang nahuhulog na ako sa kanya, tsaka siya biglang lumayo?!" kanyang iyak.

dahil sa mga nangyari, minabuti ni pusa na aliwin ang sarili.  kasama ng iba pang kaibigang hayop, nagpunta siya sa kung saan-saan.  unti-unti na niyang nakalimutan si butiki.  pero minsan, naiisip pa rin niya na magbalik sa dati ang lahat.

isang araw…

"kumusta ka na pusa?" tanong ng isang pamilyar na tinig.

"butiki?!"

"hehe!  ako nga!"

"wow!  ang labo!" sabi ni pusa sa sarili.  "bakit ngayon ka pa bumalik?  ano ngayon ang gagawin ko?  talaga bang nililito mo ang damdamin ko?"

"o bakit tulala ka?" tanong ni butiki.

"ah wala.  nagulat lang ako sa iyo," sagot ni pusa.  "kumusta ka na?" dugtong niya.

itutuloy…

gaya ni pusa, may mga tao talagang sadyang parang baliw.  inaasam na bumalik.  nung bumalik e nagtataka kung bakit bumalik.  ang labo di ba?  oo masakit nga maiwan nang walang dahilan.  pero totoo bang walang dahilan?  paano kung hindi lang masabi ng taong iniirog mo ang dahilan kung bakit siya lumayo?

ngunit may dahilan din kung bakit katulad ng kay pusa ang nagiging reaksyon ng iba.  kung anuman yung dahilan na yun, di ko alam.  ang masasabi ko lang, ngayong bumalik na dati mong inaasam, edi you make the most out of it.  malay mo umalis ulit yan at hindi na bumalik.  sige ikaw din.

peace!

ISA NA NAMANG KASHITAN

Saturday, November 25th, 2006

heto na naman po ang kadramahan ng aking kaibigan.

"problema tol?" tanong ko. 

"siya pa rin ano pa ba?"

"the other girl?"

"oh yes!"

"what’s the problem?"

"lately natanto ko na di ko pa naman talaga siya love eh.  somewhere between love and infatuation."

"i know the feeling, tuloy."

"pero i don’t deny na may nararamdaman ako sa kanya.  siya yung taong nakakagaangan ko ng loob.  kaso…"

"kaso….??"

"may nalaman ako kanina."

"ano?"

"taena!"

"kwento mo gago!"

"ganito kasi yun.  may suitor kasi siya dati.  tapos kung kailan nahuhulog na siya e bigla na lang tumigil yung mokong.  edi siyempre naiinis siya.  tapos nalaman ko gusto niya pa rin si mokong and she wishes na sana bumalik sa dati."

"at nagseselos ka?"

"parang.  oo.  hindi.  ewan ko ba.  hindi ko maipaliwanag tol.  pero parang dagok sa dibdib ko nung nalaman ko.  sabi ko sa sarili ko syet bakit ako apektado, bakit ako parang nagseselos eh hindi naman kami.  fuck!"

"o tapos?"

"tapos ako naman itong si tanga, tinext ko siya at parang nagprisintang tumulong na muling bumalik si mokong.  kilala ko rin yung mokong na yun eh.  nanghihingi yun ng tips dati sa akin kasi nga alam nyang close kami ni other girl."

patlang.

"syet!  taena nakakainis!!!" sigaw ng kaibigan ko.

"naiinis ka kasi apektado ka.  naiinis ka kasi nagseselos ka.  at higit sa lahat naiinis ka kasi hindi mo naman dapat maramdaman ang mga bagay na ito pero di mo mapigilang maramdaman.  tama ba ako o tama ba ako?  hehehe!"

"puta…syet!"

"truth hurts pare!"

"ano gagawin ko?"

"just let it.  emotions should never be repressed.  ilabas mo.  but in a healthy way.  isulat mo.  idaan mo sa sports o sa gitara.  o tama.  jamming na lang tayo.  kanta tayo ng mga pang-brokenhearted.  tutal you’re close to that.  ikaw maggitara ako magkakahon."

"tara."

kinuha ko ang gitara’t kahon ko at nag-jamming kami.

"millionaire say got a big shot deal and throw it all away but, but i’m not too sure how i’m supposed to feel or what i’m supposed to say but i’m not, not sure, not too sure how it feels to handle everyday.  and i miss you love.  make room for the prey coz i’m coming in with i wanna say but, but it’s gonna hurt, how i love the pain, a breeding ground for hate but, i’m not, not sure, not too sure how it feels to handle everyday like the one that just…(di ko memorize yung part na ito)…of all the people.  remember today i’ve no respect for you.  and i miss you love, and i miss you love."

para kay MRB

Wednesday, November 22nd, 2006

Umiiyak ka na naman.  Ilang beses na bang pumatak ang mga luha mo nang dahil sa akin?  Grabe.  Talaga bang tinamaan ka sa akin?  Talagang mahal na mahal mo nga ako.  Salamat.  Patawad na rin.  Dahil di ko man lang masuklian ang pagmamahal mo.  Wala talaga akong kwentang asawa noh?  Lalo ngayon.  Lalo nitong mga nagdaang araw, linggo, buwan.  Ni hindi ko man lang maipakitang nagmamalasakit ako o kaya mahalaga ka sa akin.  Dahil sa akin sobrang nahihirapan ka ngayon.  At wala man lang ako magawa para pagaanin ang kalooban mo.  Wala.  Kasi wala akong kwenta.  Sana hindi mo na lang ako minahal.  Pero hindi mo naman alam na magkakaganito eh.  Tsaka damdamin yan.  Hindi napipigilan.

“Mahal mo pa ba ako?”  Ito ang lagi mong tinatanong.  At ang sagot ko?  Wala.  Panay tahimik lang.  Pero dama ko namang mahal pa kita eh.  Yun nga lang ang tanong, tulad pa ba ng dati?  “Alam ko na ang sagot,” sabi mo.  At umiyak kang muli.


“Nabawasan na ang pagmamahal mo alam ko.  At alam ko malapit nang mawala.  Ayoko mag-break tayo kasi hindi ko kaya.  Ayoko mag-break tayo kasi mahal na mahal kita.”


Patlang.  Natigilan ako sa mga sinabi mo.  Oo tama.  Nabawasan nga marahil.  Pero ayokong sabihing malapit nang mawala.  Dahil baka nasa state of confusion lang ako.  Sabi ni Sir Paolo, “What you are undergoing right now is a glimpse of married life.  Explore it.  Study it. Just feel the emotion.  Search yourself.”


Nung mga oras nga na yun namimiss kita.  Gusto kita yakapin.  Pero sa Biyernes pa tayo magkikita eh.  Sa Biyernes na lang kita yayakapin.  Mahigpit.  Sobrang higpit.  Yung klase ng higpit na madarama mo ang kahit gatiting na pagmamahal ko.  Para hindi ka na umiyak.  Sana.  Tapos manonood tayo ng sine.  Sa Mall of Asia.  Hindi pa tayo nakakapag-date dun diba?  Panonoorin natin yung Happy Feet kasi “makyut yung mga pinggwin!”


Maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko.  Pati na rin sa damdamin.  Sa ngayon di ko masabi kung tulad pa ba ng dati ang nararamdaman ko.  Ewan ko ba.  Ang gulo.  Parang gusto ko huminga.  Parang ayoko muna nang may nakatali sa akin.  Parang gusto ko muna hanapin mabuti ang sarili ko.  Pero hindi ko magawa.  Hindi ko magawa dahil halos katumbas na yun sa pakikipaghiwalay sa iyo.  At hindi ko magawang makipaghiwalay sa iyo.  Dahil bukod sa nangako akong hindi ka iiwan, alam kong magiging miserable ka lang pag naghiwalay tayo.  Pero hindi naman pwedeng manatiling tayo at ako ay ganito ang nadarama.  Mas masakit sa iyo.  Baka mas maging miserable ka pa.  Ang gulo talaga.


Hindi kaya awa na lang ang nadarama ko?  Hindi ko rin masabi.  Kaya parang gusto ko muna mapag-isa.  Pero paano?


Huwag ka nang umiyak ha?  Pakiusap.  Alam mo namang ayoko ng cry cry di ba?  Pa-kiss nga.  Mwah.


Miss na kita.  Yun sigurado ako.  Walang duda, nami-miss kita.


Halika nga rito, dito ka sa akin…yayakapin kita….

SO NEAR YET SO FAR

Wednesday, November 22nd, 2006

PANAGHOY NG ISANG PUSONG KAWAWA

tahimik.  sobra.  nakakabingi.  katabi lang kita kanina pero pakiramdam ko ilang milya ang layo natin.

bumibili ako ng sorbetes nang bigla kang lumapit at kalabitin ako.  "gusto mo?" alok ko.  "sige," sagot mo.

naglakad tayo habang inuubos natin ang ating mga sorbetes.  panay kwentuhan.  hindi matigil.  masaya tayong dalawa.

nagyaya akong maupo.  sige sabi mo.  naglalakad-lakad tayo.  hindi naman katagalan at nakakita rin tayo ng mauupuan.  ang sarap sa pakiramdam ang pag-upo matapos ang isang mahabang lakaran.

sa pag-upo natin ay patuloy pa rin tayong nagkwentuhan.  pinagmasdan natin ang mga taong naglalakad sa harapan natin.  tapos bigla akong pumuntang palikuran.  sinabi ko sa iyo antayin mo lang ako.

hindi naman nagtagal at bumalik ako.  pero parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin.  pag-upo ko e hindi na naging ganun kasigla ang ating kwentuhan.  maya-maya pa ay tumahimik ka.  parang may isang anghel na dumaan.  patlang.  isang mahabang patlang.

tinanong kita kung may problema.  sabi mo wala.  pero hindi ako mangmang.  at lalong hindi ako manhid.  bakas sa mukha mong may iniisip ka.  malalim.  at hindi mo maitatagong ito ay isang problema.

hindi na muli akong kumibo.  patuloy lang tayong nakatingin sa kawalan.  ang kaninang masayang usapan natin ay nauwi sa isang nakabibinging katahimikan.

nagyaya ka nang umuwi.  hinatid kita sa sakayan papuntang inyo.  pagkasakay mo ay umalis na rin ako.  sumakay ako ng fx na may mabigat na ang puso.  malungkot akong umuwi.  unang pagkakataon.  noon sa tuwing magkikita tayo ay uuwi akong may ngiti sa mukha.  pero ngayon, daig ko pa ang namatayan sa tindi ng kalungkutan.

maya-maya uuwi na ako ng bahay, magbibihis, hihiga ng kama, pipiliting matulog.  alam ko na hanggang sa pagtulog ay bitbit ko sa aking alaala ang malungkot na kanina.

nakaka-depress.

ngayon ko lang nadama ulit ito.

phaksiet.

sana kung anuman ang bumabagabag sa iyo ay mawala na.  hangad ko ang iyong kaligayahan.  sana hindi ito ang katapusan.  kung ito man, ang magagawa ko lang e ang tanggapin at magpatuloy.

magandang gabi, nikki.

I WISH I COULD SAY THIS TO YOU

Tuesday, November 21st, 2006

The following is semi-fictitious.  It’s totally a product of the author’s mind.

Enjoy reading…

For almost two years, I feel like there has been no growth in our relationship.  The things and favors you had asked me to do, I have always done half-heartedly.  Seldom did I do things for you out of my own free will.  I always feel that there is this force that always compels me to obey you.  And I feel heavy with it.

Last night you kept on asking me if I want to quit.  I was tempted to say yes.  It’s not that I totally want to quit.  We’ve been together for almost two years.  I don’t want that to go to waste.  What I want is sort of a cool off.  I think “no strings attached” is the proper term.  It’s more of like “parang tayo pero hindi.”  I want to do things on my own.  Kinda selfish?  No.  In fact, I was thinking of you.  It would be unfair in your part if I allow our relationship to continue with only you willing to fight for it.  It would hurt you more if things would be like that.

But I am being tormented by another problem.  I can’t say all these things to you.  Why?  Remember that during our first months together I made you a promise?  I said, “I’ll never leave you.”  And that includes not leaving you even I a time will come that I don’t love you anymore.  Why?  Because I believe that a heart that has lost love will have it back when it’s with a heart that loves.

I love you.  I still do.  But somehow I feel that things would be better between us if we remove the strings…if we remove the things that bind us together making us like “prisoners” of each other.  (Or maybe I’m the only one who feels like a prisoner?)

The things I have said may sound selfish for others.  But I know for some I’m thinking the right thing.  Still, others may have a different opinion or judgment in mind.  Whatever people think of, I respect it.

I am one suffering soul.  But I know for sure you are also suffering.  Maybe much more.  How I wish I could say these things in front of you, one-on-one, heart-to-heart, eye-to-eye, me-to-you.  But for now, let it be this way.

D.P.

Tuesday, November 21st, 2006

DESIRED PERSON

Meron ka bang DESIRED PERSON?  Teka teka teka.  Hindi ba dapat i-define muna ano ibig sabihin ng DESIRED PERSON? 

Desired person (or DP for short), in Tagalog, e yung taong ninanais mo.  Kaya nga desire eh.  Pero hindi mo naman pinagnanasaan.  Kamanyakan na yun palagay ko.  Siya yung taong hindi mo lang basta crush at gusto.  Mayroong something pero alam mong hindi pa ito love.  Hindi mo maipaliwanag pero masaya ka pag nakikita mo siya, pag nakakausap, pagnakakasama.  Siya yung taong “nakakagaanan mo ng loob tapos marami kayong oh so sweet moments and eventually you’ll fall in love.”  (Hanep sa definition!)

Ang DP e maaring ordinaryong tao o kilalang tao.  Kung ordinaryong tao, mas malaki yung chances na maging kayo unless kung may asawa na.  Kung taken lang, may chance pa rin.  Sulutin mo.  Joke.  To be serious, wag ka mawalan ng pag-asa.  Malay mo maghiwalay sila. 

Kung kilalang tao naman ang DP gaya ng pulitiko o artista e medyo 50-50 ang chances.  Kasi alam mong hindi ikaw ang una sa mata niya.  Mas concentrated siya sa career niya.  Pero kung katulad mo si Anabelle Rama, sus, kahit artista pa yang DP mo e magagawa mong maging kayo.  Kaya hindi pa rin dapat mawalan ng pag-asa.

E paano kung yung DP e kaibigan lang ang tingin niya sa iyo?  Ganun pa rin.  Pwede pa rin maging kayo.  No one knows if he or she will always see you as a sibling for the rest of his or her life.

E paano kung may vow of celibacy?  Ay pucha ibang usapan syempre.  Kung seminarista pa lang o kaya nagmamadre pa lang, don’t lose hope pa rin.  Pero syempre mahirap yun sa lagay mo.  Tsaka DP pa lang naman eh.  If you go back to the definition “…and eventually you’ll fall in love” and sabi diba?

O ayan.  Siguro sapat na yung mga impormasyon na sinabi ko.

Meron ka bang DESIRED PERSON?

isa na namang walang kwentang liham na nabasa ko

Tuesday, November 21st, 2006

Nakita ko ito sa basurahan, crumpled pa.  Kahit kadiri pinulot ko pa rin.  Hahahaha.  Madrama yung letter.  Wala akong masabi.

"For BUMM:

I saw you last weekend, I think.  Or maybe it was last week.  Naaaah.  The day is irrelevant.  The issue here is I saw you.  And you were beautiful in your outfit.  That white long sleeves together with the brown miniskirt suited you very well.  The red necktie, long socks and your shoes with the green lace made you cute.  You were like a child.  But then you are always a child…at heart.  And that what makes you beautiful.  Your being childlike makes you look young.  Keep that.

We didn’t bond much that evening.  Maybe it’s because of the area and the surrounding people.  Somehow they prohibited us from bonding.  But I enjoyed just seating beside you.  You were very silent.  And I can’t help but wonder why.  Maybe you were just tired.  Maybe.  Or maybe something’s preoccupying your mind.  Whatever it was, I didn’t care.  You’re cute when you are pensive.  And I enjoyed watching you.

Then you had to go.  I was saddened.  I understood.  It was really late.  You went home. I was left there alone.  I stayed for another two hours before going home.  I relished our moments together.

I saw you.  I hope to see you again.

I miss you."

Madrama di ba?  Ahahahaha!!!

BAKITA AKO?!

Tuesday, November 21st, 2006

Ang mga sumusunod ay sinulat ng may-akda noong Nobyembre 20, 2006.  Ito ay usapan sa pagitan nina Boy at Girl.

BAKIT AKO?!

“Bakit kung kailan nakapagdesisyon ka na e tsaka may darating para guluhin ang isip mo?”  tanong ni Boy.

Napatingin si Girl.  “D’yan papasok ang paninindigan.  Worse e pagsisisi,” sagot niya.

“Paano kung wala sa dalawa?”

“Paanong wala?”

“Paninindigan mo pa ba ang desisyong nagawa mo kung alam mong hindi mo na ito ikasasaya?”

“Depende.  May mga pagkakataon talagang kailangan mong panindigan ang nagawa mo.  Halimbawa, kailangan mong pakasalang yung nabuntis mo.”

“Hindi mo dapat pakasalan yung nabuntis mo.  Pakasalan mo yung mahal mo.  Panagutan mo yung nabuntis mo.  Magkaiba yun.”

“Hehe.  Basta alam mo na’ng ibig kong sabihin.”

“Haay ang gulo.  Pero ayos lang.  Masaya naman ako e.”

“Masayang magulo?  Hmmm.  Pwede ba yun?”

“Oo.  Naguguluhan ang isip ko pero ang puso ko masaya.”

Patlang.

Muling nagwika si Boy, “Ikaw kasi e…”

“Bakit ako?!” laking gulat na tanong ni Girl.

Patlang.  Tumayo si Boy.  Naglakad palayo kay Girl.  Tinignan niya ito at ngumiti.

“Kasi dumating ka sa buhay ko.  Salamat.”