Archive for November, 2006

PAG NABITIN KA

Tuesday, November 21st, 2006

"nakakalungkot.  hindi ko siya nakita.  kung kailan paalis na ako, pauwi na siya.  badtrip.  pag nabitin ka nga naman oo."

- panaghoy ng isang kumag.

kawawang nilalang.  hahahahaha!!!

isang nakakatamad na sandali sa opisina

Friday, November 17th, 2006

yura yura to yuganda sora e

kimi no moto e tonde yuke

zutto soba ni itta kara

aita sukima ooki sugite

namaiki na kimi no sunao na henji

matte dare ga sabashii

mirarenai machi de nariteru nara

soba ni inakutemo egao wa todoketai

yura yura to yuganda sora e

kimi no moto e tonde yuke

konna ni mo chikazu ni kanjiteru

futatsu no omoi

hanep parang totoo.  nakakabato.  at pag ganitong nababato ako e bigla akong napapamuni.

kailan pwedeng sabihing baliw ang isang tao?  pag ang kanyang ginagawa e taliwas sa ginagawa ng karamihan?  malay mo radikal lang o kaya pampam o kaya non-conformist.  pag ginagawa e hindi normal?  e ano ba ang normal?  paano masasabing ang isang bagay ay normal at ang isa ay hindi.  yung bang mga tumatawa mag-isa e baliw na bang matatawag?  yung taong grasa ba baliw?  e yung mga kapitalistang walang ginawa kundi padamihin ang pera nila at yurakan ang masa, matitino ba utak nila?  yung mga opisyal natin na nambubulsa ng buwis ng bayan, hindi ba kabaliwan yung ginagawa nila?  so sino ang baliw?  paano natin masasabing baliw ang isang tao?

sagot: ewan.  there is no dividing line between sanity and insanity.  the prophets were considered crazy during their time.  but were they?

gusto ko magka-power.  lahat naman yata ng tao gusto e.  gusto ko lumipad.  kahit yun lang masaya na ako.  tsaka yung lahat ng bagay kaya kong gawing yelo.  ayos yun.  para pag mainit sa fx na sasakyan ko e papalamigin ko yung loob.  ahaha.

nagugutom ako.  gusto ko ng max’s.  kaso awan ti kwartak.  malas.

gusto ko na mag alas-singko.  wala akong magawa sa opisinang ito eh.  nakakatamad.  ayan kung anu-ano tuloy naiisip ko.  tulad nito…

baliw na ba ako?  pakisabi nga kung oo.  salamat.

arigato goizamasu.  sayonara.

i am the great X!

ANG MAGBASA NITO AY….

Thursday, November 16th, 2006

ang mga sumusunod ay kathang-isip lang ulit.  anumang pagkakatulad sa tunay na buhay e medyo sinadya…

SULAT SA SALAMIN

"para kay LIRE LUCK E. LERMA,

nagmahal ka na ba ng taong alam mong kahit kailan eh hindi mapapasaiyo?

nagmahal ka na ba ng taong hindi mo dapat mahalin?

nagmahal ka na ba ng kaibigan?  nahulog ka na ba sa isang kaibigan?  hindi lang basta kaibigan pero sobrang malapit na kaibigan.  pinagtapat mo ba ang damdamin mo sa kanya?  nalaman ba niyang mahal mo siya?

bakit ba  komplikado ang pag-ibig?  kung titignan mo parang ang dali lang magmahal.  pero hindi pala.  minsan oo.  minsan hindi.

buti pa ang Diyos hindi nahihirapan magmahal.  yun nga lang nasasaktan din Siya.  marami kasi Siyang minamahal pero di naman Siya mahal.  pero patuloy pa rin Niyang minamahal.  parang ang hirap nun.  mali pala ako.  nahihirapan din pala Siya kahit papaano.  nahihirapan in the sense na mabigat sa loob yung alam mong hindi ka mahal ng taong mahal na mahal mo.

minsan di ko mawari bakit nagkakaroon ng bawal na pag-ibig.  isang magandang kataga ang pag-ibig.  pero pumapangit.  kasi nagiging tama, nagiging mali, nagiging pwede, nagiging hindi.  kailan ba nagiging tama at mali ang pag-ibig?  nabasa ko sa text dati na nagiging bawal lang daw ang pag-ibig pag nilagay ito sa konteksto ng tama o mali.  pero ang konteksto ng tama o mali ay bahagi ng realidad ng buhay.  isang mapait na katotohanan.

minsan may nagtanong sa akin, ‘bakit ba masakit magmahal?  bakit hindi na lang pwedeng lahat maging masaya?’  sinabi ko sa kanya ang isang kwento na ikinuwento sa akin ng aking kaibigang ngayon ay pari na…meron dati sa channel 2 na 10-part drama series.  ang pamagat ay SA SANDALING KAILANGAN MO AKO yata.  sa isang episode daw nito ay dalawang magkapatid na nagpunta sa pagawaan ng upuang yari yantok.  pag pasok sa pabrika, sinabi ng mas nakatatanda, ‘alam mo kung nakakapagsalita lang yang mga yantok na yan, kanina pa sila sumigaw at nagreklamo.  pero batid nila na kailangan silang bali-balikuin, kailangan silang balu-baluktutin upang maging bahagi ng isang magandang obra.  ganun din sa pagmamahal.  mas matagal na nakapagtitiis ng sakit, mas lumalalim ang pagmamahal.’  tapos ay idinagdag ko yung favorite quote ko na galing din sa kaibigang pari ko na iyon.  ‘love is always the willingness to be hurt simply because to love is to give someone the power to hurt you.’

kung aaminin ko sa iyong mahal kita, maipapangako mo bang walang magbabago sa pagkakaibigan natin?  mananatili bang walang lamat ang ating samahan?  wag mo nang sagutin.  matagal ko nang alam ang sagot.  kaya nga sinulat ko na lang kasi di ko maamin sa iyo nang harapan.  dahil alam ko oras an malaman mo, hindi na magiging tulad ng dati ang lahat.  mas mabuti na yung ganito kahit masakit.  dahil mas masakit kung malaman mo nga peroa ang lahat ay mababalewala.

"LOVE IS ALWAYS THE WILLINGNESS TO BE HURT SIMPLY BECAUSE TO LOVE IS TO GIVE SOMEONE THE POWER TO HURT YOU." - Rev. Fr. Carmelo "Jek-Jek" Ponce Arada, Jr.

dalawang liham

Thursday, November 16th, 2006

ang mga sumusunod ay kathang-isip lamang.  anumang pagkakahambing sa tunay na buhay ay maaaring sinadya.  ahahaha.

"dear MM,

malungkot ako ngayon.  sobra.  ngayon ko lang ulit naramdaman ito mula nung iwan ako ni X.  alam ko baduy pakinggan pero parang nadurog dibdib sa mga sinabi mo.  ‘hindi ito tama.  mabuti pang wag muna tayong magkita at mag-usap.’

buong araw akong tuliro.  taena.  wala naman akong magagawa.  ayokong mamilit ng tao.  kahit masakit, sige lang.  kakayanin.

maraming naglaro sa isip ko.  pucha.  ngayon lang ulit tumulo luha ko dahil sa babae.  ampowta.

sana masaya ka.

SP"

"dear MM,

ayos na ako.  bumalik ka na e.  medyo sad pa pero ok na.  mawawala na ito.  andyan ka na.  di mo lang alam kung gaano ako kasaya nang sabihin mong, ‘miss na kita.  di ko matiis di ka kausapin.’

para talaga tayong timang.  mga baliw.  hahaha.

sige na wala naman ng saysay ang liham na ito eh.  andito ka na ulit eh.  kwentuhan na lang kita.

SP"

ayan alas-sais na!  punta na akong sm manila.  yahoo!

i am the great X!

pag ikaw ay may sakit

Thursday, November 16th, 2006

sinisipon.

inuubo.

masakit ang ulo.

kulang na lang trangkasuhin ako.

para akong mamamatay.  ooopps.  may magagalit.

nung huling beses akong nagmuni e naisip ko yung tropa kong in-love.  yun nga lang hindi sa gf niya.  ouch.

ngayon, yun pa rin naiisip ko.  pero parang ayoko pagnilayan nang husto.

kagabi nagpunta ako sa myspace.  binasa ko yung mga blog ko dun.  wow.  i never realized i was that emotional.  oh yeah.  i was emotional.  very emotional.  i read about 5 entries.  in a snap, the memories returned.  memories of pain, mostly.  but then it gave me a smile.  "sinulat ko ito?" was my question.  and i learned that i am still that emotional guy though not as emotional as before.  maybe my stay here outside helped me in containing some emotions.  for it is not always good to show your emotions, contrary to what i used to believe.

taena bakit ako napa-inggles?

balik sa tropa kong in-love.

"tol nainlab ka na ba sa mas matanda sa iyo?" tanong niya.

"oo.  sa gf ko.  naalala ko nung bata ako lagi ako nagka-crush sa mas matanda sa akin.  taena mahilig yata ako noon sa sugar mommy.  ahaha.  bakit?"

"wala naman.  eh sa mas bata sa iyo?"

"yung ex ko mas bata sa akin yun.  mga apat na buwan.  yung isang ex ko mga dalawang buwan.  bakit ba?"

"alam mo na."

"si other girl ba?"

"oo."

"taena apat na taon agwat mo dun ah!"

"alam ko.  hoy hindi ako cradle snatcher.  college na siya ngayon."

"paki ko."

"wala kang paki."

"meron."

"ano?"

"kaibigan ko rin gf mo.  wala akong paki sa nararamdaman mo pero hindi tamang pinagsasabay mo sila."

"gago hindi ko sila pinagsasabay."

"e ano tawag mo dun?"

patlang.  isang mahabang patlang.

"tol," sabi ko.  "kilala kita.  madalas pinapairal mo puso mo.  pero ito yung mga sitwasyong dapat eh gamitin mo kokote mo.  naalala mo yung sinabi ko sa iyo?  mas mabuti pang magalit siya at least naging totoo ka kaysa kayo nga pero plastikan na lang.  lalabas at lalabas din yan.  kung patatagalin mo pa baka mas lalong magkaproblema."

patlang pa rin.  mahaba.  tinignan ko lang siya.  bakas sa kanyang mga mata na nahihirapan siya.

hindi ko masisisi ang kaibigan ko.  tao siya.  may damdamin.

"tol," sambit niya.  sa wakas nagsalita ang kumag.  "kung alam mo lang yung naging simula namin ng gf ko, baka maintindihan mo."

"shoot."

"alam mo bang nung maging kami eh di pa ako sure sa feelings ko?"

"e bakit mo niligawan?"

"sinong nagsabing niligawan ko?  di ba lahat ng gf ko walang ligaw-ligaw?"

"oo nga pala.  sige go."

"basta nung mga time na yun sabi ko, ‘taena na may gf na naman ako?’ oo crush ko na siya.  pero wala yung mga kilig stage.  gets mo?  di ba bago naging kami ni X e may parang stage na parang kami pero hindi?  dumaan pa ako sa stage na gabi-gabi iniisip ko siya.  yung kay gf walang ganun.  bigla na lang nalaman ko mahal pala niya ako.  so ayun napag-usapang kami na.  pero nung mga time na yun unsure pa ako.  so sabi ko na lang, ’sige na.  baka matutunan ko rin mahalin.’  natutunan ko naman eh.  aminado akong mas mahal niya ako kaysa ako sa kanya.  mas higit yung binibigay niyang pagmamahal kaysa yung sa akin.  unfair ba ako?"

"gaya ng sabi ko dati, oo."

"phaksiet…."

tumayo ako at nag-inat.  "alam mo tol, di naman kita hinuhusgahan eh.  normal lang yan.  pero dapat malaman niya na yan.  feeling ko nag-e-explore ka lang talaga.  o kaya natutuwa ka lang sa other girl na yan.  baka may nakikita ka lang sa kanya na wala sa gf mo."

patlang.

nagpatuloy ako.  "maaaring ganun.  maaaring hindi.  sabi mo rin naman hindi pa talaga love eh.  just search muna.  i mean reflect.  magdasal ka na rin."

tumingin lang siya sa kisame.

magulo talaga ang pag-ibig.

having a boyfriend/girlfriend makes life too complicated.  but it also makes life beautiful, colorful and meaningful all at the same time.

It’s like this and like that

Sunday, November 12th, 2006

when can one say that love has completely gone out of him/her?

when can one say that love is once again born?

is anything immoral unfair and is anything unfair immoral?  immorality does not only kabastusan, yes, but does it follow that what goes to be immoral is also unfair?  i beg to differ.

a friend once asked me these questions.  i was bothered.  i knew there was something wrong.  i told him to meet me up after work.

i was right.  the moment i saw him, i knew things are not going right for him.

"i think i’m falling out of her," he said.

"nandatou?  nande?" i asked.  (we always switch from the vernacular to simple japanese phrases)

"ewan pare."

"there’s another girl right?"

"oo."

"baka!"

"you can’t supress emotions, tol."

"i know.  the more you do, the more painful it gets.  and the more miserable you’ll become."

"ano gagawin ko?"

"dunno.  talk to your gf?"

"i can’t."

"nande?"

"it would connote that i’m breaking up with her.  you know i can’t break up with her."

"yup i know.  nagbitiw ka kasi ng salita.  hirap ng kalagayan mo.  mahal mo pa ba?"

"sino?  si gf?  medyo.  eh from the start naman di ko siya ganun kamahal.  i mean, she loves me more than i love her.  i admit it.  you yourself told me that."

"yup.  tsk.  so ano plano mo?  who’s this other girl pala?"

"di ko pa alam.  wait for her to break up with me?  that’s worse.  the other girl?  a long-time friend of mine.  knew her way back in college.  i like her since.  but she’s still a kid that time."

"hmmm…tuloy…"

"ayun.  lately i realized i’m falling for her.  but i’m thinking that this might be infatuation.  basta i don’t want to conclude that i love her already.  do you think this is normal?"

"yes.  by all means.  baka nag-eexplore ka pa lang.  21 ka pa lang.  still young.  but mind you, don’t prolong that.  your gf must know it asap.  it would be unfair not only for her but for you and the other girl as well."

"arrrgghh!"

"o bakit?"

"malapit na anniv namin e.  you want me to spoil it?"

"ikaw bahala.  basta ang akin lang e be honest.  if i were you, i’d say mas mabuti pang maging totoo at magalit ka sa akin kaysa maging tayo pero ang puso’t damdamin ko e sinungaling."

"corny mo pare.  inom na nga lang tayo."

"mabuti pa."

it’s like this and like that.  that was not the full story.  mahaba pa yung mga dialogue.  pero ito lang mga naaalala ko.

gutom na ako.