para kay MRB
Umiiyak ka na naman. Ilang beses na bang pumatak ang mga luha mo nang dahil sa akin? Grabe. Talaga bang tinamaan ka sa akin? Talagang mahal na mahal mo nga ako. Salamat. Patawad na rin. Dahil di ko man lang masuklian ang pagmamahal mo. Wala talaga akong kwentang asawa noh? Lalo ngayon. Lalo nitong mga nagdaang araw, linggo, buwan. Ni hindi ko man lang maipakitang nagmamalasakit ako o kaya mahalaga ka sa akin. Dahil sa akin sobrang nahihirapan ka ngayon. At wala man lang ako magawa para pagaanin ang kalooban mo. Wala. Kasi wala akong kwenta. Sana hindi mo na lang ako minahal. Pero hindi mo naman alam na magkakaganito eh. Tsaka damdamin yan. Hindi napipigilan.
“Mahal mo pa ba ako?” Ito ang lagi mong tinatanong. At ang sagot ko? Wala. Panay tahimik lang. Pero dama ko namang mahal pa kita eh. Yun nga lang ang tanong, tulad pa ba ng dati? “Alam ko na ang sagot,” sabi mo. At umiyak kang muli.
“Nabawasan na ang pagmamahal mo alam ko. At alam ko malapit nang mawala. Ayoko mag-break tayo kasi hindi ko kaya. Ayoko mag-break tayo kasi mahal na mahal kita.”
Patlang. Natigilan ako sa mga sinabi mo. Oo tama. Nabawasan nga marahil. Pero ayokong sabihing malapit nang mawala. Dahil baka nasa state of confusion lang ako. Sabi ni Sir Paolo, “What you are undergoing right now is a glimpse of married life. Explore it. Study it. Just feel the emotion. Search yourself.”
Nung mga oras nga na yun namimiss kita. Gusto kita yakapin. Pero sa Biyernes pa tayo magkikita eh. Sa Biyernes na lang kita yayakapin. Mahigpit. Sobrang higpit. Yung klase ng higpit na madarama mo ang kahit gatiting na pagmamahal ko. Para hindi ka na umiyak. Sana. Tapos manonood tayo ng sine. Sa Mall of Asia. Hindi pa tayo nakakapag-date dun diba? Panonoorin natin yung Happy Feet kasi “makyut yung mga pinggwin!”
Maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko. Pati na rin sa damdamin. Sa ngayon di ko masabi kung tulad pa ba ng dati ang nararamdaman ko. Ewan ko ba. Ang gulo. Parang gusto ko huminga. Parang ayoko muna nang may nakatali sa akin. Parang gusto ko muna hanapin mabuti ang sarili ko. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil halos katumbas na yun sa pakikipaghiwalay sa iyo. At hindi ko magawang makipaghiwalay sa iyo. Dahil bukod sa nangako akong hindi ka iiwan, alam kong magiging miserable ka lang pag naghiwalay tayo. Pero hindi naman pwedeng manatiling tayo at ako ay ganito ang nadarama. Mas masakit sa iyo. Baka mas maging miserable ka pa. Ang gulo talaga.
Hindi kaya awa na lang ang nadarama ko? Hindi ko rin masabi. Kaya parang gusto ko muna mapag-isa. Pero paano?
Huwag ka nang umiyak ha? Pakiusap. Alam mo namang ayoko ng cry cry di ba? Pa-kiss nga. Mwah.
Miss na kita. Yun sigurado ako. Walang duda, nami-miss kita.
Halika nga rito, dito ka sa akin…yayakapin kita….
November 25th, 2006 at 10:23 am
hmm… eh hindi naman ako si MRB… hahaha… kakainggit naman… =p
December 1st, 2006 at 6:36 am
nakakalungkot naman po..the situation’s kinda difficult.. bakit po kaya ganun? parang ang hirap.. hayy.. nakaka-touch..
December 5th, 2006 at 12:35 am
ganun talaga…