Archive for December, 2006

BAKIT BAKIT BAKIT

Monday, December 25th, 2006

ako at ang kaibigan ko, nag-uusap muli…

"musta pare?" tanong ko.

"eto masaya."

"kayo na?"

"hmmm…kinda?"

"what do you mean kinda?"

"basta yun!"

"parang kayo pero hindi kayo?"

"oo.  hindi.  ahehehehe."

"pakyu tawa ka jan!  ano nga?"

"basta yun!"

"e bakit hindi maipinta mukha mo?"

"wala naman.  may naiisip lang."

"care to share?"

patlang.

"pare what’s the point of doing something when you know it’s not forever?" tanong niya.

"what do you mean?"

"i mean, bakit pa tayo nagpapakahirap gawin ang isang bagay kung alam naman nating mapupunta lang sa wala ang lahat?"

"at bakit naman mapupunta sa wala?"

"kasi you know in the end it’s not gonna be yours."

"how sure are you?"

"not that sure."

"does this have something to do with her?"

"yes."

"hmmmm.  what you have now is real.  but yet you both know that one day what you have now will be gone.  alam ninyong dalawa na balang araw eh magkakahiwalay din kayo.  correct or right?"

patlang.

"i know the feeling," tuloy ko.  "but look at it this way: if ever you part ways, you’re not the same as before.  hindi mo maitatago na may magiging impact siya sa buhay mo.  may maituturo siya sa iyo na hindi maituturo ng iba.  i remember what kuya jek told me before…’some people come into our lives and simply go.  others stay for quite some time.  they leave footprints behind our path.  and we are never ever the same.’  the same thing applies with you both.  maghiwalay man kayo, you yourselves know that you’ll never ever be the same persons you were before meeting each other.  so right now, be thankful you have each other.  be thankful you love each other.  enjoy the moments you share together whether it’s a happy one or not.  because if ever you separate ways, the only thing you’ll cherish is the moments you created with her.  at kung magkahiwalay nga, still, be thankful.  be thankful for having experienced a love that is real.  madalang na lang yan ngayon.  and besides, everything does not end in breaking up or separation.  you don’t know what the future holds for the two of you.  and why would the two of you allow that everything you have now will just go poof?  work it out."

"e paano pag umalis na siya for states?"

"kailan pa yun aber?  that’s about what?  5-6 years from now!  you’re not yoda to see the future.  even yoda does not see the future clearly."

"way to go jedi."

"i’m not yet done padawan.  heheh.  who could say that 5-6 years from now eh gusto nya pa umalis papuntang abroad?  wala di ba?  even she herself cannot guarantee that.  so right now just enjoy.  don’t make long-term goals or plans for the two of you.  treasure each other.  and always let her feel how much you love her."

"i do that all the time.  thanks master."

"anytime apprentice."

at tumawa na kami.

NANG MAWALA AKO….

Monday, December 18th, 2006

march 2002.  unang beses ako nagkaroon ng sarili kong celfone.  brand new 5210.  graduation gift ng aking ina.  diyos pa ako nung mga panahong iyong dahil naka 5210 ako.

march 2004.  niregaluhan ulit ako ng nanay ko ng celfone.  3530.

september 2005.  niregaluhan ulit ako ni mamu ng celfone.  6600.

tatlong celfone.  isang number.

february 2006.  nawala ang 3530.  naiwan ko sa school.

june 2006.  naholdap ako.  babay na sa 6600.

november 2006.  binenta ko yung 5210.  bulok na kasi.

ngunit sa kabila ng mga yun, ok lang.  kasi nanatili ang aking number.  yun pa rin.  yung 09164832438.

kaso…

december 17, 2006.  na-sim blocked ako.  enter PUK.  naknampucha.

ganito pala pag biglang hindi mo na magamit ang simcard mo na nasa iyo sa loob ng halos limang taon.  nagpunta ako sa sm kahapon at nagbakasakaling magagawan pa ng paraan.  hindi na raw.  bumili na lang ako ng bago.  dun pa lang sa thought na bibili ako ng bagong sim at magpapalit ng number eh halos masira ulo ko.  "mahirap yung ganyan sir," sabi nung technician.  "para kang nawala," dugtong niya.

oo.  tama siya.  para akong nawala.  parang isang malaking bahagi ng buhay ko, ng pagkatao ko ang biglang naglaho.  argh!  ganito pala pakiramdam pag medyo feeling mo hindi ka tao.  sa mga oras na ito hindi ko alam kung sino ako.  nakakapanghinayang.  ayokong dumaan sa eksenang nagtetext ako ng ganito: "good day.  this will be my new number starting now.  please save it.  thanks. -ilaw"…syet!  kung magkaganon, baka abutin ako ng isang oras kakatext.  baka nga lumagpas pa.  kaasar talaga.

mamaya tutungo ako ng recto.  hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.

change is really the only permanent thing in this fucking world.

haaay.  maybe there’s a reason behind this happening.  no.  not maybe.  there really IS a reason behind this.

i am the great x!

PAG NA-SIM BLOCKED KA…PHAKSIET!

Sunday, December 17th, 2006

phakeeengsieeet!!!  na-sim blocked ako.  taena.  ganito kasi yun.  nagde-drain ako ng batt ko.  tapos na-drain na.  so i charged it.  after several minutes, binuksan ko.  enter PIN.  edi pinasok ko ang mahiwagang PIN combination ko.  nampucha mantakin mo wrong code daw!  sinubukan ko ulit.  this time dahan-dahan kasi baka namali ako ng pindot.  pucha mali pa rin.  "taena!" sabi ko.  "never naman ako nagpalit ng PIN ah!  fuck!"  sa pangatlong try, mali ulit.  at ayun na nga.  biglang lumitaw, "Sim Blocked" tapos "Enter PUK".

so pumunta ako ng kwarto ko at kinuha ko yung kahon ng 5210 ko na binenta ko na (FYI: 3310 na de goma ang phone ko ngayon).  nampucha mantakin mo ulit, nabura na sa carbon paper yung PUK ko!  tangina talaga to the max!!!  fuck as in fuck fuck fuck!  tangina for 5 years gamit ko itong number na ito!  tapos dahil lang sa maling PIN e kakailanganin ko magpalit ng number!  talk about bad luck!  syet talaga.  pucha!  duda ko may gumalaw ng cel ko e.  tangina last week ok pa eh.  fucking shit talaga!  pinkaingatan ko yung sim ko na yun for 5 years!  yung sim na hiningi ko pa sa holdaper nung maholdap yung 6600 ko!  tapos tangina bigla na lang mawawala?!  fuck!  and here’s the catch.  may 224 pesos pang load yun.  at kakaregister lang sa UNLIMITXT!  syet di ba?!  putangina talaga oo!

pero huwag mawalan ng pag-asa ilaw.  ikaw ang dakilang x.  punta ka na lang recto mamaya o kaya sm.  maghanap ka ng nag-a-unblock ng sim.  baka sakaling magtagumpay ka.  pag hindi, taena malas na lang.

haaay ang ganda ng pasko ko nito!

TANGINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

EARLY MORNING

Thursday, December 14th, 2006

umagang-umaga pero heto, nagmumuni ako.  sa totoo lang kagabi pa ito.

ano naman ang pinagmumunihan ko?

ikaw.  ako.  tayo.

maraming nalulungkot ang nanghihinayang sa nangyari.  ganun talaga.  kahit ako nalulungkot pa rin kahit papaano.  hindi biro ang dalawang taon.  pero sadyang ganun.  kasi kung titignan, mas mabuti yung ganito kaysa manatiling tayo pero ako napipilitan na lang.

patlang.

sinabi ng isang kaibigan na baka kailangan ko lang daw i-assess ang sarili ko.  malay ko raw baka matanto kong mahal pa kita.  alam mo sabi ko.  "siguro nga mahal ko pa siya.  pero kung saka-sakali ngang mapagtanto kong mahal ko pa siya, ayoko na rin.  ayoko na rin maging kami.  bakit?  ayoko na rin kasi ng buhay may nobya eh.  siguro crushes o MU na lang muna.  pero gf?  ayoko.  siguro sa hinaharap, pag handa na ako, pwede.  pero sa ngayon, sigurado ako sa sarili ko na ayoko ng may tali.  ayoko ng may demands.  ayokong gumanap ng role bilang isang bf.  mas ok din yung walang gf.  walang komplikasyon.  walang kailangan magselos.  walang pressure.  at kung sakali mang magmahal akong muli, and this time ibang tao na, ayoko pa rin maging kami.  sabi ko nga hanggang MU lang kaya ko.  hindi pa ako handa.  baka masaktan ko lang yung babae.  siguro naman maiintindihan niya yun.  mahirap pilitin ang sarili sa ayaw mo.  malay mo hindi rin siya handa.  kung sakali mang handa na siya at ako hindi pa, at ayaw na niya maghintay, ayos lang sa akin na lumayo siya.  kasama yun sa risk eh.  kahit masakit tatanggapin ko.  kung ako naman yung handa at siya hindi pa, maghihintay ako.  hindi naman minamadali yung mga ganitong bagay eh."

salamat.  sana maging masaya ka.

DAMN THIS FEELING!

Thursday, December 14th, 2006

punyeta talaga.

akala ko magiging masaya ako.  akala ko magiging magaan na ang loob ko.  pero bakit kung kailan nawala na ang tali e tsaka ako mas naging miserable?  bakit kung kailan mas dapat ako makapag-isip e dun ako hindi makapag-isip?  mabuti pa nga nung may tali may panahon akong mag-isip tungkol sa sarili ko, tungkol sa damdamin ko.  ngayong wala ng tali, di ko na yun magawa nang mabuti.  pucha.

masama ba akong tao?  masama na ba ako dahil winasak ko ang puso ng isang tao?  masama na ba ako dahil nagiging totoo ako sa damdamin ko?  pucha talaga.

patlang.

sa inyong mga nagdudunung-dunungan dyan, mga phaksiet kayo!!!  putangina ninyong lahat!!!

LONG DISTANCE

Tuesday, December 12th, 2006

boy at girl magkatext

b: kumain ka na?

g: di pa

b: bakit?

g: home alone ako eh

b: ngak!  sayang kung wala lang akong ginagawa sinamahan kita.  what time daw sila uuwi?

g: di ko pa alam.  mga 10 pa siguro.

b: wala bang food jan?

g: wala.  kaya sa labas ako kakain.

b: ingat ka.  text mo ako pag nakakain ka na.

g: sige.

makalipas ang ilang sandali.

b: ano na?

g: tinamad ako kumain.  nawalan ako ng gana.  kaya nag internet na lang ako.

b: ha?  kumain ka please?  kahit pancit canton lang.

g: hmmm.  sige.  hahanap ulit ako.

b: ok. ingat!

makalipas ulit ang ilang sandali.

g: tapos na ako!

b: good!

g: grabe nakakalungkot pala kumain mag-isa.  sana pag nasa states na ako eh hindi ganun.

hindi na nagreply si boy.  hindi siya nawalan ng load.  hindi rin siya nawalan ng signal.  minarapat na lang niyang wag magreply.  dahil nalungkot siya sa kanyang nabasa.  "aray!" sa loob ni boy.  "oo nga pala pangarap niya makapagtrabaho sa ibang bansa.  oo nga matagal pang panahon bago dumating yun.  kailangan muna niyang makapagtapos at makapasa sa boards.  pero darating pa rin yung panahon na yon.  at pag dumating na yun, bahala na.  isa ang sigurado.  malulungkot ako.  sobra."  tumigil si boy.  nagbuntong-hininga.  "bakit kung kailan malapit na ang loob nyo sa isa’t isa, kung kailan nahuhulog ka na, kung kailan mahal mo na siya, tsaka mo malalaman na may hangganan pala ang inyong pagsasama?  hindi pa nga nagsisimula, alam mong magtatapos na.  nakakalungkot.  pero masaya naman ako sa pangrap niya.  gusto ko nga makamit niya yun eh.  yun nga lang di ko maiwasan malungkot.  normal lang naman yun eh."

at ano ang sinabi ko kay boy?  eto:

"tol, tama ka, normal lang malungkot.  ang maipapayo ko lang, just continue loving her.  pero WAG NA WAG KANG AASA.  don’t hope.  don’t set anything in your mind like the two of you together in the future.  wag.  kasi nobody knows, except the One from above, what the future holds.  paano na lang kung maging kayo tapos matuloy siya mag abroad?  e ikaw na rin ang nagsabing mahina ka pagdating sa long-distanced relationship.  ok sana kung magdecide siya na hindi na siya mangingibang bansa.  kaso di rin sure yun.  50/50.  kaya for now, just continue what you are doing.  loving her in silence. don’t take your relationship to the next level.  ok naman kayo di ba?"

tumango lang si boy.  "pero the feeling is mutual pare eh."

"oh i see.  then pag-usapan ninyo.  wala namang masama eh."

tit-tit!  tit-tit!  nagtext si girl.

g: andito na sila!

b: yey may kasama ka na!

at iniwan ko na si boy sa sulok.  maya ngiti na ulit sa kanyang mukha.

this story is purely fictional.  what i want to point out is that long-distanced relationship doesn’t work.  that’s my personal belief.  well, the story becomes different when the couple is married.  both will try to work it out for the sake of the marriage and the children if not for love.  but sometimes things still go astray.  either or both of them fall along the way.  that’s why it’s always advisable for couples to always stay together.

"absence makes the heart fonder."

THE NATIVITY STORY

Tuesday, December 12th, 2006

last sunday i watched "the nativity story."

the movie showed events that were not in the bible BUT could have possibly really happened.  the holy couple’s struggle in going to bethlehem, the shame Mary bore and her complete obedience to follow God’s plan, and what life was during their time, all of these were in the film.

best part of the film?  when the baby Jesus was born.  i cried upon seeing this scene.

just watch it.  and you’ll see what i mean.

CON-ASS, CHA-CHA, PUNYETA

Monday, December 11th, 2006

CON-ASS, CHA-CHA, lahat na lang ito ang pinag-uusapan.  may gustong mag-rally dito, may gustong mag-rally doon.  pero ang tanong, pag sumama ka ba sa mga rally na ito, may mapapala ka ba?  may kabutihan bang maidudulot ito sa iyo?  sasaya ka ba?  o lalo lang kukunot ang noo mo?

marami sa atin ang mahilig makialam.  palibhasa kasi matatalino.  ayaw patalo.  kaya laging pinipilit ang kani-kanilang gusto.  buti na lang pinanganak akong bobo.  pero di ako tanga.

sabi nila, hindi raw sapat na may alam ka.  dapat matuto kang makialam.  pero tama bang makialam tayo sa lahat ng oras?

napansin ko sa mga nakikialam, sila yung mga ayaw ng pagbabago.  batid kaya nila na ang pagbabago ang tanging permanente rito sa mundo?  batid kaya nila na kasama sa buhay ng tao ang pagbabago?  batid kaya nila na kailangan ang pagbabago sa paglago mo bilang isang tao, bilang isang anak ng Diyos, bilang kapatid ni Kristo?

hindi naman sa wala akong pakialam sa nangyayari sa paligid ko.  pero kung titignan kasing mabuti, pataasan na lang ng ihi ang nangyayari eh.  mas inuuna pa ang lecheng cha-cha na yan kaysa mga mas nangangailangan.  pag nakialam ba ako dyan sasaya ako?  pag sumama ba ako sa rally e magkakabalikan ba ang mga magulang ko at mabubuo ang pamilya namin?  hindi sa wala akong pakialam.  hindi lang yan ang unang prioridad ko sa buhay.  mas marami akong concerns na mas importante pa kaysa pagsama sa mga rally.  nariyan ang gampanan ko ang tungkulin ko sa bahay bilang kuya.  ang tumulong sa aking mga magulang na pagtapusin ang kapatid ko.  ang maging isang mabuting Kristiyano.  kung paanong magiging Kristo ako sa mata ng iba.  ilan ito sa mga bagay na mas gusto kong pagtuunan ng pansin kaysa ang makisama sa rally na yan.

nakakalungkot pati Simbahan nakikisawsaw sa pulitika.  hindi naman dapat.  ganun talaga.  sa nakikita nilang imoral daw ang con-ass eh.

kung sa panahon ngayon nabuhay si Kristo, ano kaya ang gagawin niya?

"Genuine love is seeing the best in others.  Seeing Jesus even in the most difficult person in the community."

Christ came here to teach us to love, to show us and make us feel the Father’s love.

the Bible can be summarized in one word: LOVE.  it is a book about love.  God’s love.

malapit na ang Pasko.  pero parang di ko madama dahil sa mga nangyayaring gulo.  pero kung titignang mabuti, sa panahon ngayon natin mas maipapakita ang pagmamahal di ba?

sana matigil na yang mga gulo.  birthday pa naman ni Kristo.

THE PAIN OF…

Monday, December 11th, 2006

Last night, I “broke up” with my girlfriend.  I think cool-off would be the better and proper term.  Of course it was hard for him.  Much harder for her.  I think.  She was crying.  And all I could do was hug her.

Now, I fell terrible.  Miserable.  Wretched.  I feel I am a total jerk.  A worthless guy.  Bad boy.  Heartbreaker.  Cruel.  Ouch.

Why is it that when it’s a girl who does the breaking up, it’s okay?  Society would see it as something usual. 

Normal

.  They wouldn’t say anything about the girl.  But when it’s us guys who do the breaking, it suddenly becomes a different story. Whatever the reason may be, valid or not, even if it’s the girl’s fault, the world sees us and will always see us as cruel.  Unfair?  Very much.

But which is unfair, be honest with your feelings and breaking up with her or continue the relationship even though you yourself know that the feeling is gone?  Have I been unfair?  Or have I just been honest with myself?  It’s unfair if I allow our relationship to continue but then my feelings for her are not genuine anymore, is it not? Then why does the world see me as someone cruel for breaking a heart?  Talk about unfairness.

Was I cruel?  Or did I only do the right thing?

Sad, isn’t it?

I still feel terrible.

mga agam-agam sa trabaho…

Wednesday, December 6th, 2006

i feel down.  i really feel down.  lagi na lang kulang.  lagi na lang di sapat.  kahit anong gawin ko, ibigay ang lahat, pagdating sa mata niya, pagdating sa kanya, poof, kulang pa rin.  di pa rin sapat.  palpak.  kulang na lang ipamukha sa akin na wala akong kwenta.

minsan naisip ko, nampucha bakit ba ako nagtitiyaga sa ganitong trabaho to think na maraming job opportunities for me outside with greater pay and less demands.  langya nagtapos akong may cum tapos hamak na alalay lang ako.  o e ano kung alalay ng dean?  secretary to the dean.  assistant to the dean.  kahit ano pang magagandang salita ang gamitin, ang bottom line, alalay lang ako.  hamak na utusan.  tapos mataas pa demands ng boss.  di ko naman siya masisisi.  matalino siya eh.  so gusto niya lahat pulido.  i don’t know if perfectionist would be the right description.  basta ganun.  kaya kahit lahat ng effort ko ibigay ko talagang wala.  pero to be fair, mabait naman siya eh.  he’s really kind.  actually i consider him as one of my trusted friends.  sa kanya pa ako nagpapa-counsel minsan.  malaki rin impluwensiya niya sa akin.  siguro hindi pa lang talaga ako sanay sa boss-employee relationship.  i was his student and advisee.  so for so long a time our relationship was mentor-student type.

if not for the wonderful students of our department who always see the best in me, i could have resigned long ago.  when i’m down, they always cheer me up without knowing it.  "uy galing mo talaga!"  "the best ka talaga ilaw.  thanks!"  "alam mo maswerte si father sa iyo kasi masipag ka!"  nakakataba ng puso.  sila ang nagiging consolation ko.  kaya sa tuwing gusto ko na mag-resign (gaya ngayon), iisipin ko lang sila at matatanto ko, "ay!  wag!  kaya ko ito…andyan naman sila eh…sila mga nakakakita ng  pagod ko!  sila ang inspirasyon ng palaka!  tsaka great x ako diba?  kaya ko ‘to!  aja!"

may isa pa akong consolation.  yung opportunity na makilala at makasalamuha mga mabibigat na tao ng ating bansa.  mga taong naging bahagi sa paglago at paghubog ng pilipinas.  yun!  walang makakapantay dun.  the best!

sa inyong lahat na nagsisilbing inspirasyon ko, maraming salamat!  para sa inyo pagbubutihan ko pa!

smile!!!!