CON-ASS, CHA-CHA, PUNYETA
CON-ASS, CHA-CHA, lahat na lang ito ang pinag-uusapan. may gustong mag-rally dito, may gustong mag-rally doon. pero ang tanong, pag sumama ka ba sa mga rally na ito, may mapapala ka ba? may kabutihan bang maidudulot ito sa iyo? sasaya ka ba? o lalo lang kukunot ang noo mo?
marami sa atin ang mahilig makialam. palibhasa kasi matatalino. ayaw patalo. kaya laging pinipilit ang kani-kanilang gusto. buti na lang pinanganak akong bobo. pero di ako tanga.
sabi nila, hindi raw sapat na may alam ka. dapat matuto kang makialam. pero tama bang makialam tayo sa lahat ng oras?
napansin ko sa mga nakikialam, sila yung mga ayaw ng pagbabago. batid kaya nila na ang pagbabago ang tanging permanente rito sa mundo? batid kaya nila na kasama sa buhay ng tao ang pagbabago? batid kaya nila na kailangan ang pagbabago sa paglago mo bilang isang tao, bilang isang anak ng Diyos, bilang kapatid ni Kristo?
hindi naman sa wala akong pakialam sa nangyayari sa paligid ko. pero kung titignan kasing mabuti, pataasan na lang ng ihi ang nangyayari eh. mas inuuna pa ang lecheng cha-cha na yan kaysa mga mas nangangailangan. pag nakialam ba ako dyan sasaya ako? pag sumama ba ako sa rally e magkakabalikan ba ang mga magulang ko at mabubuo ang pamilya namin? hindi sa wala akong pakialam. hindi lang yan ang unang prioridad ko sa buhay. mas marami akong concerns na mas importante pa kaysa pagsama sa mga rally. nariyan ang gampanan ko ang tungkulin ko sa bahay bilang kuya. ang tumulong sa aking mga magulang na pagtapusin ang kapatid ko. ang maging isang mabuting Kristiyano. kung paanong magiging Kristo ako sa mata ng iba. ilan ito sa mga bagay na mas gusto kong pagtuunan ng pansin kaysa ang makisama sa rally na yan.
nakakalungkot pati Simbahan nakikisawsaw sa pulitika. hindi naman dapat. ganun talaga. sa nakikita nilang imoral daw ang con-ass eh.
kung sa panahon ngayon nabuhay si Kristo, ano kaya ang gagawin niya?
"Genuine love is seeing the best in others. Seeing Jesus even in the most difficult person in the community."
Christ came here to teach us to love, to show us and make us feel the Father’s love.
the Bible can be summarized in one word: LOVE. it is a book about love. God’s love.
malapit na ang Pasko. pero parang di ko madama dahil sa mga nangyayaring gulo. pero kung titignang mabuti, sa panahon ngayon natin mas maipapakita ang pagmamahal di ba?
sana matigil na yang mga gulo. birthday pa naman ni Kristo.