EARLY MORNING
umagang-umaga pero heto, nagmumuni ako. sa totoo lang kagabi pa ito.
ano naman ang pinagmumunihan ko?
ikaw. ako. tayo.
maraming nalulungkot ang nanghihinayang sa nangyari. ganun talaga. kahit ako nalulungkot pa rin kahit papaano. hindi biro ang dalawang taon. pero sadyang ganun. kasi kung titignan, mas mabuti yung ganito kaysa manatiling tayo pero ako napipilitan na lang.
patlang.
sinabi ng isang kaibigan na baka kailangan ko lang daw i-assess ang sarili ko. malay ko raw baka matanto kong mahal pa kita. alam mo sabi ko. "siguro nga mahal ko pa siya. pero kung saka-sakali ngang mapagtanto kong mahal ko pa siya, ayoko na rin. ayoko na rin maging kami. bakit? ayoko na rin kasi ng buhay may nobya eh. siguro crushes o MU na lang muna. pero gf? ayoko. siguro sa hinaharap, pag handa na ako, pwede. pero sa ngayon, sigurado ako sa sarili ko na ayoko ng may tali. ayoko ng may demands. ayokong gumanap ng role bilang isang bf. mas ok din yung walang gf. walang komplikasyon. walang kailangan magselos. walang pressure. at kung sakali mang magmahal akong muli, and this time ibang tao na, ayoko pa rin maging kami. sabi ko nga hanggang MU lang kaya ko. hindi pa ako handa. baka masaktan ko lang yung babae. siguro naman maiintindihan niya yun. mahirap pilitin ang sarili sa ayaw mo. malay mo hindi rin siya handa. kung sakali mang handa na siya at ako hindi pa, at ayaw na niya maghintay, ayos lang sa akin na lumayo siya. kasama yun sa risk eh. kahit masakit tatanggapin ko. kung ako naman yung handa at siya hindi pa, maghihintay ako. hindi naman minamadali yung mga ganitong bagay eh."
salamat. sana maging masaya ka.
December 15th, 2006 at 8:34 pm
okay yan….enjoy the freedom…maraming nagagawang maganda ang pagiging magisa…mas nakikilala mo sarili mo..at mas marami kang mapagiisipan na hindi mo nagagawa pag may iniintnidi kang partner..=)