LONG DISTANCE
boy at girl magkatext
b: kumain ka na?
g: di pa
b: bakit?
g: home alone ako eh
b: ngak! sayang kung wala lang akong ginagawa sinamahan kita. what time daw sila uuwi?
g: di ko pa alam. mga 10 pa siguro.
b: wala bang food jan?
g: wala. kaya sa labas ako kakain.
b: ingat ka. text mo ako pag nakakain ka na.
g: sige.
makalipas ang ilang sandali.
b: ano na?
g: tinamad ako kumain. nawalan ako ng gana. kaya nag internet na lang ako.
b: ha? kumain ka please? kahit pancit canton lang.
g: hmmm. sige. hahanap ulit ako.
b: ok. ingat!
makalipas ulit ang ilang sandali.
g: tapos na ako!
b: good!
g: grabe nakakalungkot pala kumain mag-isa. sana pag nasa states na ako eh hindi ganun.
hindi na nagreply si boy. hindi siya nawalan ng load. hindi rin siya nawalan ng signal. minarapat na lang niyang wag magreply. dahil nalungkot siya sa kanyang nabasa. "aray!" sa loob ni boy. "oo nga pala pangarap niya makapagtrabaho sa ibang bansa. oo nga matagal pang panahon bago dumating yun. kailangan muna niyang makapagtapos at makapasa sa boards. pero darating pa rin yung panahon na yon. at pag dumating na yun, bahala na. isa ang sigurado. malulungkot ako. sobra." tumigil si boy. nagbuntong-hininga. "bakit kung kailan malapit na ang loob nyo sa isa’t isa, kung kailan nahuhulog ka na, kung kailan mahal mo na siya, tsaka mo malalaman na may hangganan pala ang inyong pagsasama? hindi pa nga nagsisimula, alam mong magtatapos na. nakakalungkot. pero masaya naman ako sa pangrap niya. gusto ko nga makamit niya yun eh. yun nga lang di ko maiwasan malungkot. normal lang naman yun eh."
at ano ang sinabi ko kay boy? eto:
"tol, tama ka, normal lang malungkot. ang maipapayo ko lang, just continue loving her. pero WAG NA WAG KANG AASA. don’t hope. don’t set anything in your mind like the two of you together in the future. wag. kasi nobody knows, except the One from above, what the future holds. paano na lang kung maging kayo tapos matuloy siya mag abroad? e ikaw na rin ang nagsabing mahina ka pagdating sa long-distanced relationship. ok sana kung magdecide siya na hindi na siya mangingibang bansa. kaso di rin sure yun. 50/50. kaya for now, just continue what you are doing. loving her in silence. don’t take your relationship to the next level. ok naman kayo di ba?"
tumango lang si boy. "pero the feeling is mutual pare eh."
"oh i see. then pag-usapan ninyo. wala namang masama eh."
tit-tit! tit-tit! nagtext si girl.
g: andito na sila!
b: yey may kasama ka na!
at iniwan ko na si boy sa sulok. maya ngiti na ulit sa kanyang mukha.
this story is purely fictional. what i want to point out is that long-distanced relationship doesn’t work. that’s my personal belief. well, the story becomes different when the couple is married. both will try to work it out for the sake of the marriage and the children if not for love. but sometimes things still go astray. either or both of them fall along the way. that’s why it’s always advisable for couples to always stay together.
"absence makes the heart fonder."