1ST MONTHSARY

noong linggo, bukod sa kapistahan ni sto. tomas de aquino, ipinagdiwang namin ng pinakamamahal kong kasintahan ang aming unang mansari.  at ganito ang nangyari:

after lunch pa lang magkasama na kami.  ang plano talaga e sasamahan ko siya sa holy trinity parish sa balic-balic para sa theo project niya.  kaibigan ko kasi yung ibang pari roon.  so nagkita kami sa sm manila.

pagkakita namin e nilibre niya ako ng sundae sa mcdo.  so sweet.  hehehehe.  tapos since andun na rin ako eh binayaran ko na yung bill namin sa meralco.  after ko magbayad eh naglibot-libot muna kami.  dumaan kami sa booksale.  naghanap siya ng spongebob at ako naman ay naghanap ng star wars.  walang bagong comics.  so tinulungan ko siya maghanap ng spongebob.  kaso ang nakita ko e star wars mag.  umutang tuloy ako sa kanya ng 100.  hehehe.  pinautang naman niya ako.  kaso yun nga lang e pamasahe na lang ang pera namin.

ayun na nga.  nabili ko na yung star wars tapos sumibat na kami papuntang balic-balic.  dumating kami dun 4pm.  punta kami sa parish office.  tapos after ilang minutes e okay na.  saktong palabas na kami ng office e pumasok si kuya jek (yung kaibigan kong pari).  "kuya jek, girlfriend ko si ulrike.  what time mass mo?  sisimba kami ah."

"7:15 pa.  pumunta muna kayong sm centerpoint.  alangan namang antayin nyo eh anong oras pa lang?  saan kayo mag-aantay?"

"e wala na kaming pera e.  sige pautang 100."

"o eto.  tamang-tama yan na lang laman ng pitaka ko."

at pumunta na nag kaming centerpoint.  pagdating dun naglibot lang kami.  kwentuhan.  tingin ng celfone.  tingin sa papemelrotti.  tapos nagutom.  at dun lang namin napagtantong wala pala kaming pera.  pamasahe lang.

"bi, kawawa naman tayo.  hehehe.  ok lang kasama naman kita eh," sabi ko.  "kaso gutom na talaga ako eh."

pumunta kami sa food court.  naupo muna at nagcompute.  hiniwalay namin yung pamasahe.  may natirang 70 pesos.  ayos pwede pa kaming kumain.  so isip kami ng kakainin.  tinignan namin ano pwede.  nampucha wala!  tapos naisip niya mag-grocery kami.  smart girl talaga ang babay ko.  hehehehe.

ang aming binili:  dalawang 500ml na summit mineral water, isang malaking breadstix at isang malaking cheez-it.

nabusog naman kami.

tapos nagsimba na kami at hinatid ko na siya sa kanila.

sweet di ba?  sooobra!

yan ang aming 1st monthsary!

mahal na mahal kita ulrike ko! =)

2 Responses to “1ST MONTHSARY”

  1. aRa Says:

    wow…=) magaling magaling magaling!

  2. Mark Christian Says:

    wow… sweet nga… =p

Leave a Reply