Archive for January, 2007

PAG SINABI KO…

Monday, January 15th, 2007

naglalakad ako sa isa sa mga eskenita sa sampaloc, maynila nang may narinig akong isang babae at isang lalaking nag-uusap.  maya-maya pa’y nagtalo na sila.  magkasintahan sila sa aking palagay.

tinuro sa akin ng aking mga magulang na masama ang nakikinig sa usapan ng ibang tao.  sa totoo lang wala naman talaga akong balak makinig sa magkasintahang yun.  ano nga ba naman ang mapapala ko pag narinig ko ang usapan nila.  pero sa sinabi ng lalaki ay hindi ko nagawang sumunod sa utos nina ama at ina.

ganito po ang naging takbo ng kanilang usapan:

L: you know i am really in love with you!

B: asus!  joke ba yan?  tatawa na ako.

sa puntong ito ay medyo nadismaya ang lalaki.  bakas yun sa kanyang mga mata.  pero ngumiti lang siya at nagpatuloy.

L: nope.  i am really in love with you!

B: ok ok sige na naniniwala na ako.

L: napipilitan ka lang eh.  hmpf!

B: ehehe!  peace na baby!  kiss!

hinalikan ng lalaki ang kanyang kasintahan.

L: ok from now on…

napahinto siya.

B: ano?

patlang.

B: ano nga?

L: wala.

B: ah ok.

mahabang patlang.  tumagal ng mga tatlong minuto.

L: hindi ka ba talaga naniniwala na mahal kita?  yung dapat kong sasabihin sa iyo kanina, gusto ko sana sabihing "sige from now on wala ka ng maririnig na ‘i love you’ o ‘mahal kita’ galing sa akin."  pero napagtanto ko na hindi eh…hindi ko kaya…kahit itanggi ko, kahit pilitin ko ang sarili ko na wag sabihin sa iyong mahal kita, lalabas at lalabas pa rin yun sa bibig ko…dahil kahit saang anggulo mo tignan, kahit pagbalibaligtarin pa natin ang lahat, isa lang ang lalabas…mahal kita…mahal na mahal.  ngayon kung sa tingin mo hindi totoo, kung hindi ka pa rin naniniwala, sabihin mo lang.  dahil hanggang nagdududa ka pa, hangga’t di pa dumarating yung araw na talagang naniniwala ka na, uulit-ulitin kong sasabihin at patuloy kong ipapakita at ipadarama sa iyo na mahal na mahal kita!  mahal na mahal kita bi!"

pagkarinig nito umalis na ako.  hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari.  pero sa wari ko, kung hindi pa nalusaw yung babae sa sinabing iyon ng nobyo niya, ay naku, ewan ko na lang.