SA PAG-IKOT NG BOLPEN

sa mga sandaling tulad nito

– mga sandaling wala akong magawa,

walang makausap,

naiinip, nababato –

mayroon akong naaalala:

mga matang mapungay,

buhok na puno ng buhay,

malalambot na pisngi

at ngiti ng mapupulang labi.

nariyan din ang mainit na yapos

at masasarap na haplos

na nagsasaad

ng damdaming banayad.

ngunit higit sa lahat,

naaalala ko ang dalaga

na nagmamay-ari

ng mga katangiang ito.

sa mga sandaling tulad nito

mayroon akong naaalala…

…ikaw!

"SA PAG-IKOT NG BOLPEN" ni Laotze (01/19/07; 1:47 pm)

One Response to “SA PAG-IKOT NG BOLPEN”

  1. aRa Says:

    amberisori…iba talaga sumulat ang nagmamahal…!

Leave a Reply