Archive for February, 2007

2ND MONTHSARY

Wednesday, February 28th, 2007

yesterday was our second monthsary.  weeks before, i already told her i’ll bring her to harbour place/square (can’t remember the exact name…it’s either of the two).

"ano gagawin natin dun?  mahal mga kainan dun di ba?" she asked.

"oo.  pero di naman natin kailangang kumain sa mamahaling resto eh.  ay may pancake house dun!  tsaka starbucks tsaka tapa king!" i answered.

"tapa king na lang bi.  di pa ako nakakakain dun eh."

"sige tama.  ako rin eh.  since first time natin e mag-wish tayo!"

"oo ahihihi!"

wish?  what were we thinking?  tapa king is a church?  hahahaha!  but it was fun.

okay.  fast forward.

yesterday, i woke up with a big smile on my face.  i sent her a text message.  "good morning my baby!  happy monthsary!  i love you so much!"  then i took a bath, chose to wear the best clothing that was available (i wore semi-formal) and off went to work.

nothing much happened while working so i’ll just narrate what happened after work.

i went out of the office quarter past 5.  i walked fastly to gastambide.  my baby was already waiting inside UST’s medicine auditorium.  so i decided to take the pedicab.  but to my disappointment, it even took longer reaching p.campa cor. espaƱa.   i should have walked, i thought.  but then i would perspire.  so i just bid my time.  then i rode a jeepney going to dapitan.  but the traffic was heavy.  again i thought of walking.  but no.  i don’t want to perspire.  it’s a long walk.

after several minutes, i reached UST.  i entered the medicine building, went up to the 4th floor and entered the auditorium.  the program was already over (it was salinggawi dance troupe’s annual dance concert).  few gawi members were fixing their things.  i was looking for a sign of my baby.  then someone waved a hand.  it was tita racquel, jem’s mom (jem is a gawi member).  seated beside her was none other than the most beautiful girl in my life.  i went to their place, greeted tita and kissed my "wife."  damn!  she’s much prettier on close-up.  paolo, jem’s bf, was there too.  after jem finished fixing her things, we went our separate ways.

i’ll cut the story short.  we reached harbour place/square (it’s beside CCP by the way).  i accompanied her first to the washroom then went immediately to tapa king.  after making our order, we decided to seat outside, near the bay.  it was cold and nice and romantic and beautiful.  and the night became more beautiful because seated in front of me was the most beautiful girl ever.  no pun.  she was really pretty last night.  she always looks pretty but last night, she was more than just pretty.  gorgeous i can say.  radiant.

"pakalikot ng bag mo ah," i said.  she nodded with a smile.

i started mingling her things.  what she didn’t know, it was just a way for me to put my little present for her.  i gave her bag back.

"ano ba, bi, di mo man lang sinara," she said.  she zipped it.  i took it and unzipped it again.  she smiled.  "ano problema mo bi?"  she asked getting the back and about to zip it.  then she saw it.  what did she see?

just a folded piece of paper.  what’s written on it?  this:

"ON THE OCCASION OF OUR 2ND MONTHSARY

To my dearest and ever beloved baby, Ulrike,

     This is all that I can afford to give you for this special occasin.  I have been doing this for more than a month now.  But I had a mental block along the way.  Especially with your surname.  It is only this morning that I completed the poem.  I don’t know how but words and ideas just kept coming in my head.  Call it inspiration or whatever, it doesn’t matter (Maybe it was since it’s our monthsary.  I really don’t know.  Hehe).  I did not imitate Ara just to inform you.  I have already started doing this long before she fell for Pochim and made the Pochim poem.  Amp.

     Anyway, I wouldn’t bore you anymore with my words.  I hope you’d like it.  Enjoy reading.  I love you very, very much!  Happy monthsary!  Mwah!

TULA PARA KAY ULRIKE

Unexpectedly, you came into my life

Like a fresh

Rainshower that poured

In the heat of summer

Keeping nature balanced,

Ensuring earth’s life.

Mildly, you touched my heart

And slowly entered its realm; I

Realized I had to

Contain the situation and suppress my

Emotion (that started to become vulnerable)

Lest I start to stumble and find myself falling,

Lying on the floor,

Engulfed in a situation I never wished for.

Maybe it’s better this way, I thought,

Abjuring the truth, the verity, the

Reality of me falling for you.

But the more I abjured, the more it proved; with

Our paths constantly crossing, my

Love kept burning, and

I, amidst the self suppression,

Nonetheless, had stumbled and fallen.

But this I did not regret; I am even

Obliged.  For had I not fallen for you, had I

Not told you how I feel, had I

Decided to let go, had I

Opted to be silent, then I wouldn’t have felt being

Cared, treasured and loved by you.

     I love you so much!  Don’t you ever dare leave me for if you do, I will look for you and once I find you, I will tie you around me so that we’ll be forever together!  I really, really love you my Baby!

                                                                                                       Pogi X"

lo and behold, she cried.  tears of joy according to her.  i held her hand, looked at her in the eye and said, "i love you, bi!  happy monthsary!"

we went home smiling. =)

AALIS KA PA BA?

Monday, February 19th, 2007

"aalis ka pa ba?" tanong ni pao.

patlang.  isang mahabang katahimikan.

"bakit mo naitanong?" sa wakas binasag na ni may ang katahimikan.

"wala naman…takot lang akong umasa.  oo sinabi ko nga noon na i-e-enjoy ko lang kung anong meron tayo ngayon.  pero di ko napigilan.  ewan ko ba.  nahulog na yata talaga ako sa iyo.  umaasa na ako na tayo na hanggang huli.  alam kong hindi dapat.  sinusubukan kong pigilin.  pero wala e."

hindi kumibo si may.  isa na namang mahabang patlang ang namagitan sa usapan ng dalawa.

"kung sakaling aalis ka," wika ni pao.  "kung sakaling napagdesisyunan mo na talagang nais mong mangibang bansa, sabihin mo kaagad sa akin ha.  nang sa gayon ay titigilan ko na ang umasa."

patlang pa rin.

hinawakan ni may ang kamay ni pao at sumandal sa balikat ng lalaki.

"baby mahal na mahal kita.  wag kang bibitiw ah," ani may.

"hinding-hindi mahal ko," sagot ni pao.  "wag ka lang aalis sa tabi ko at hindi kita bibitawan," bulong niya sa sarili.

BASKETBALL

Monday, February 19th, 2007

masakit pa nang kaunti ang katawan.  kagabi kasi ay pumunta kami ni phez (classmate ko nung highschool) sa minor at naglaro ng basketball kasama ang mga kapwa naming alumni.

sarap sa pakiramdam.  may "touch" pa pala ako sa paglalaro.  akala ko sobrang banban na ako.  hindi naman pala.  di rin naman ako magaling.  sa katunayan e reliever lang ako nung high school (mas ok na yun kesa naman pang-ubos foul tulad ni ****…hehehehe!).  naka 7 points yata ako, kahit karamihan e fastbreak at assist sa akin.  ilang rebounds at ilang steals din ang nagawa ko.  hehehehe.  oh well.  mukhang mapapadalas na ang laro ko sa minor pag lunes ng gabi.

ayos!

gunita ko’y ikaw

Saturday, February 10th, 2007

trip ko magmuni ngayon…

at trip ko pagnilayan ang nakaraan…

"pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy."  lumang salawikain.  lumang salawikaing bumabagay sa akin.  sa amin.  sino nga namang mag-aakalang sa loob ng mga taong ito e magiging kami.  ang dating "magkapatid" ngayon ay "magkadaupang dibdib."

hunyo 2004.  una ko pa lang siyang nakita, gusto ko na siya.  nasa ikatlong taon pa lang ako sa kolehiyo noon.  siya naman nasa ikatlong taon din.  sa hayskul.  patay tayo dyan.  kaya tuloy lang sa kanya-kanya naming buhay.

hindi kaagad kami naging close.  pero naging magkaibigan kami.  tapos unti-unti na lang naging close.  hindi ko alam kung ano ako sa kanya noong mga panahong iyon.  pero para sa akin, espesyal na siya noon pa man.  hindi ko alam kung ano ang meron pero magaan ang loob ko sa kanya tuwing kami’y nagkikita o nag-uusap.  hindi ko rin alam kung paanong nagsimula pero huli na nang malaman kong binubuksan ko na ang sarili ko sa kanya.  mga sikreto.  kahinaan.  pati kadiliman.  at wala akong pinagsisihan sa mga yun.  bagkus, ako’y nagpapasalamat.

kahit may mga kanya-kanya kaming mga pag-ibig nang mga panahong iyon, hindi yun naging hadlang sa aming pagkakaibigan.  nagkaroon pa nga ng "sempai" at "meimei."  patuloy lang ang aming pagtetext, pagkukwentuhan, pag-uusap.  pero minsanan lang.

dalawang taon ang lumipas, hunyo 2006, nawasak ang pag-ibig niya.  at siyempre, nariyan ang sempai na umaalalay sa sugatang meimei.  tsk.  pero dun nagsimula ang mas malalim na pagkakaibigan.  naging mas close sa isa’t isa.  mas napadalas ang pagtetext, pagkikita, pag-uusap.

ilang buwan makalipas noon, oktubre 2006, nagkalamat ang pag-ibig ko.  at nung mga oras na iyon, ang meimei naman ang naging takbuhan ng sempai.  pinilit kong ayusin ang lamat.  humihingi pa nga ako ng tulong sa meimei.  pero sadyang wala.  makalipas ang dalawang buwan, disyembre 2006, nawasak na rin ang aking pag-ibig.  muli, nariyan ang meimei para tulungan ang sempai na pawiin ang kanyang kalungkutan.

at doon na nga nagsimula.  tatlong araw bago mamaalam ang taong 2006, may nabuong bagong pag-ibig.  ang sempai at meimei ay nawala na.  bagkus, ito’y napalitan ng pogi at sexy.  pero para maikli, baby na lang.

"pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy."

ang saya naman.  nawa’y magtagal at magtuloy-tuloy. =)

EMPLOYERS AND EMPLOYEES

Thursday, February 8th, 2007

it’s really hard to please employers.  no matter how hard employees work, it wouldn’t be enough for the employers.  they always want perfection.  the best.

but we are just humans.  bound to make mistakes.  even if one puts all his best at something, there will still be a margin of error in it.  and what’s worse is that employers see this as a flaw, some sort of a lack in one’s dedication to work.

amidst the praises of others for what you did, it’s still hard to praise your boss.  a job well done from others is a "your best wasn’t good enough" for him.

i guess bosses are really like that.

nuts.

BEING A NINJA

Tuesday, February 6th, 2007

a close friend of mine, who happened to be also my former classmate, sent me a text message asking for a favor.

"ano yun?"

"kasi may problema ako sa gf ko pare.  she found out a 3rd party.  pero sinabi ko break na kami.  she’s not convinced.  she broke up with me.  pwede ko bang i-send sa kanya number mo as my 3rd party para ma-verify na wala na talaga kami nung 3rd party ko?"

"sori pare," i replied. "you are my friend.  i trust you.  but i will not engage myself in fooling girls.  you know it’s your fault.  so face the consequences of your actions.  ninja tayo di ba?  don’t be like the missing-nins.  hehe."

"i understand tol."

"move on pare.  yan na lang magagawa mo.  pag makahanap ka na ulit ng bago, wag ka na magkaroon dapat ng 3rd party."

then i added, "kung galit ka sa akin ok lang."

"wag ka mag-alala tol, di ako galit sa iyo.  i admit tama ka.  it’s just that i feel so helpless.  mahal na mahal ko gf ko tol.  kilala mo ako, i don’t say i love a girl unless i really do."

"mahal mo pero ‘nangaliwa’ ka?  di ko mareconcile.  kaya mo yan.  i dunno when but a day will come and you’ll realize nakatawid ka na."

"yun nga mali ko tol.  i was in the porcess of settling a relationship with my previous gf nung naging kami.  eventually, lately ko lang na-settle out yung isa.  sad to say pero nalaman niya muna bago ko pa nai-share sa kanya yung about dun."

"oooh.  that’s bad."

it has always been my motto that in everything you do, do it with full responsibility.  face the consequences of your actions with full responsibility.

kaya mo yan tol!

SCHOOL CRISIS

Monday, February 5th, 2007

on april 1, 2007, the term of the incumbent rector-president of san beda college will end.  for the past weeks, the committee on nomination has been very busy finalizing the names of the would-be rector-president.

my boss, as one of the deans here, is obviously very much affected.  he wants fr. anscar to be re-elected.  he wishes for it.  he even prays for it.  but unfotunately (and it is really very unfortunate), when the final list of the nominees was disseminated, fr. anscar’s name wasn’t included.  there were 8-9 names.  and only one is a doctorate degree holder.

i remember boss saying that an educational institution offering doctoral degree programs must have a rector or president that has a doctoral degree.  i agree.  i believe that it should be the number one classification before becoming a school president.  however, according to ate jackie (secretary to the rector-president), there is an exception.  this rule can be disregarded if the school is run by a community, i.e., by a religious congregation.

for a second i thought "oh!  i see!"  and then UST dawned on me.  my alma mater (though i am not that proud of it) is also run by a community.  but never in its history that it had a rector without any doctoral degree of some sort.

i think that a school leader has something to do with the school’s performance.

and somehow i understand why san beda is not considered one of the priorities when looking for a school in college.

right now, our school is in crisis.  somehow.  i guess.  i can almost imagine what will happen in the future once a new rector-president is elected.

God save us all!

KONOHA

Monday, February 5th, 2007

adik ako sa naruto.

sa mga hindi pamilyar sa programang ito, ang konoha ay ang ngalan ng ninja village kung saan lumaki at nakatira ang batang ninjang si naruto.  ang namumuno sa bayang ito ay tinatawag na hokage.

so ano koneksyon nito sa pagmumuni ko?

sa una kala mo puro labanan lang yung naruto.  pero pag nagbasa ka nito sa manga (japanese comics) o kaya nanuod ng anime, e may mga aral kang makukuha.  isa na rito ay yung ibig sabihin ng tunay na lakas.  may mga ninja kasi sa naruto na sinusukat ang lakas sa galing sa pakikipaglaban at sa dami ng techniques na alam.  pero iba ang sabi ni ikatlong hokage:

"ang tunay na lakas ng ninja ay lumalabas pag pinoprotektahan niya ang mga taong mahalaga sa kanya.  yan ang ibig sabihin ng tunay na lakas." 

at sinabi rin sa gokusen (ibang palabas na ito): "you only have to fight when you protect someone dear to you."

koneksyon?

bawat isa sa atin ay may mga taong pinahahalagahan…mga taong importante sa atin.  at ang mga taong ito ay handa nating protektahan at ipagtanggol sa lahat ng oras.

at bawat isa sa atin ay may mga taong nagsisilbing ating tagapagtanggol.  sila ang ating mga "hokage."  at tayo ang kanilang mga "konoha."

at sa mga oras na ito e naiisip ko ang aking konoha — si ulrike.

ikaw ang aking konoha.  poprotektahan kita ano man ang mangyari.  walang sino mang ulupong ang pwedeng manakit sa iyo habang narito ako. "ang hokage ang namumuno sa bahay ng konoha.  mahal niya ito at ang mga nakatira rito.  iaalay niya ang kanyang buhay para sa bayan ng konoha."

talaga bang pag-inlove e nagiging baduy?

oo.

tulad ko.  may konoha-hokage pang nalalaman.  cheap.

hahahahaha.  cheap talaga.  baduy.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

pero totoo.

mahal na mahal kita "konoha" ng buhay ko.

GLOBE UNLITXT

Friday, February 2nd, 2007

kamakailan lang e nagtaas ang globe ng singil nila sa unlimited texting.  ang dating P50/5days ay ginawa nilang P80/4days!  isa lang nasabi ko: phaksiet!

nalaman ko sa isang customer service representative na ang dahilan daw ng pagtaas ay dahil mas pinabilis nila ang serbisyo nila.  kung dati raw ay mag-aantay ka ng anim na oras bago ma-activate ang unli mo, ngayon e isang oras na lang daw.  pero nagdagdag lang daw sila ng kaunti.  kaunti?!  putangina ninyo!  mga kapitalista talaga kayo!  mamatay na sana kayo kasama ng buong pamilya nyo!  laking tuwa ko lang pag na-massacre yung mga nakaisip ng kataranduhang yun.  masyado silang ganid.  at ang nararapat lang sa mga ganid na yan ay mawala sa mundong ibabaw.  wag nilang idadahilang nalulugi sila dahil maraming sasang-ayon sa akin na hindi sila lugi sa dati nilang pakulo.  wala akong makitang dahilan para magtaas sila.  sila na nga itong hari ng unlimited texting dahil sobrang sulit.  sa sun okay din pero delayed naman.  kaya globe pa rin.  kaso mga sakim.  mga gahaman.  kaya wish ko lang lamunin na sila ng lupa.

siguro nagtataka ang karamihan kung bakit parang big deal sa akin ang unlimited.  well, isa ng dahilan e magiging madalang na ang pagtetext namin ng pinakamamahal kong asawa (na ang larawan ay inyong makikita sa ikaliwang-taas na bahagi ng pahinang ito…hehehe…i love you baby!).  isa pang dahilan e puro globe mga tinetext kong abogado.  tipid.  pero ang higit sa lahat e ito:  lingid sa kaalaman ng iba, tuwing umaga ay nakaugalian ko ng gumawa ng mga inspirational messages.  karamihan dun imbento ko.  yung iba nagsa-site ako ng quotes.  tapos sine-send ko yun sa mga piling tao sa phonebook ko.  araw-araw yun maliban pag linggo dahil tangghali na akong gumising pag linggo.  pero lunes hanggang sabado, walang palya, nagsesend ako.  pero ngayon hindi ako nakapagsend.  nag-expire na unli ko.  at hindi na ako nakapagregister ulit.  kasi nga ang mahal.  hindi na kakayanin ng bulsa ko.  at sa maniwala sila o hindi, parang may kulang na sa buhay ko.  parang isang piraso ng puso ko ang biglang nawala nang hindi ako makapagpadala ng mensahe kanina.  nakakalungkot.

siguro tingin ng iba corny.  pero masaya akong nakakapagpangiti ng tao tuwing umaga.  parang fulfillment yun sa akin e.  bakit?  kasi masama akong tao.  makasalanan.  kaya yung makapagpangiti ako ng iba e malaking bagay na sa akin.  yung malaman ko lang na may gumaan ang loob pagkabasa sa mensahe ko e malaking bagay na sa akin.  mababaw ba?  siguro.  pero dun ako masaya eh.  sa dinami-rami ng kasalanan ko, eto na lang yung magagawa ko para kahit papaano e hindi ako tuluyang lamunin ng kadiliman.  tapos mawawala pa.

sana maisip ng globe na ang unli nila e naghahatid ng galak sa iba.

syet tama na.  ang drama ko na.  umagang-umaga.  hahahaha.

"never miss the chance to show someone how special they are in your life.  malay mo special ka rin sa kanila.  hehehe.  magandang umaga! C="