BASKETBALL
masakit pa nang kaunti ang katawan. kagabi kasi ay pumunta kami ni phez (classmate ko nung highschool) sa minor at naglaro ng basketball kasama ang mga kapwa naming alumni.
sarap sa pakiramdam. may "touch" pa pala ako sa paglalaro. akala ko sobrang banban na ako. hindi naman pala. di rin naman ako magaling. sa katunayan e reliever lang ako nung high school (mas ok na yun kesa naman pang-ubos foul tulad ni ****…hehehehe!). naka 7 points yata ako, kahit karamihan e fastbreak at assist sa akin. ilang rebounds at ilang steals din ang nagawa ko. hehehehe. oh well. mukhang mapapadalas na ang laro ko sa minor pag lunes ng gabi.
ayos!