gunita ko’y ikaw

trip ko magmuni ngayon…

at trip ko pagnilayan ang nakaraan…

"pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy."  lumang salawikain.  lumang salawikaing bumabagay sa akin.  sa amin.  sino nga namang mag-aakalang sa loob ng mga taong ito e magiging kami.  ang dating "magkapatid" ngayon ay "magkadaupang dibdib."

hunyo 2004.  una ko pa lang siyang nakita, gusto ko na siya.  nasa ikatlong taon pa lang ako sa kolehiyo noon.  siya naman nasa ikatlong taon din.  sa hayskul.  patay tayo dyan.  kaya tuloy lang sa kanya-kanya naming buhay.

hindi kaagad kami naging close.  pero naging magkaibigan kami.  tapos unti-unti na lang naging close.  hindi ko alam kung ano ako sa kanya noong mga panahong iyon.  pero para sa akin, espesyal na siya noon pa man.  hindi ko alam kung ano ang meron pero magaan ang loob ko sa kanya tuwing kami’y nagkikita o nag-uusap.  hindi ko rin alam kung paanong nagsimula pero huli na nang malaman kong binubuksan ko na ang sarili ko sa kanya.  mga sikreto.  kahinaan.  pati kadiliman.  at wala akong pinagsisihan sa mga yun.  bagkus, ako’y nagpapasalamat.

kahit may mga kanya-kanya kaming mga pag-ibig nang mga panahong iyon, hindi yun naging hadlang sa aming pagkakaibigan.  nagkaroon pa nga ng "sempai" at "meimei."  patuloy lang ang aming pagtetext, pagkukwentuhan, pag-uusap.  pero minsanan lang.

dalawang taon ang lumipas, hunyo 2006, nawasak ang pag-ibig niya.  at siyempre, nariyan ang sempai na umaalalay sa sugatang meimei.  tsk.  pero dun nagsimula ang mas malalim na pagkakaibigan.  naging mas close sa isa’t isa.  mas napadalas ang pagtetext, pagkikita, pag-uusap.

ilang buwan makalipas noon, oktubre 2006, nagkalamat ang pag-ibig ko.  at nung mga oras na iyon, ang meimei naman ang naging takbuhan ng sempai.  pinilit kong ayusin ang lamat.  humihingi pa nga ako ng tulong sa meimei.  pero sadyang wala.  makalipas ang dalawang buwan, disyembre 2006, nawasak na rin ang aking pag-ibig.  muli, nariyan ang meimei para tulungan ang sempai na pawiin ang kanyang kalungkutan.

at doon na nga nagsimula.  tatlong araw bago mamaalam ang taong 2006, may nabuong bagong pag-ibig.  ang sempai at meimei ay nawala na.  bagkus, ito’y napalitan ng pogi at sexy.  pero para maikli, baby na lang.

"pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy."

ang saya naman.  nawa’y magtagal at magtuloy-tuloy. =)

Leave a Reply