KONOHA
adik ako sa naruto.
sa mga hindi pamilyar sa programang ito, ang konoha ay ang ngalan ng ninja village kung saan lumaki at nakatira ang batang ninjang si naruto. ang namumuno sa bayang ito ay tinatawag na hokage.
so ano koneksyon nito sa pagmumuni ko?
sa una kala mo puro labanan lang yung naruto. pero pag nagbasa ka nito sa manga (japanese comics) o kaya nanuod ng anime, e may mga aral kang makukuha. isa na rito ay yung ibig sabihin ng tunay na lakas. may mga ninja kasi sa naruto na sinusukat ang lakas sa galing sa pakikipaglaban at sa dami ng techniques na alam. pero iba ang sabi ni ikatlong hokage:
"ang tunay na lakas ng ninja ay lumalabas pag pinoprotektahan niya ang mga taong mahalaga sa kanya. yan ang ibig sabihin ng tunay na lakas."
at sinabi rin sa gokusen (ibang palabas na ito): "you only have to fight when you protect someone dear to you."
koneksyon?
bawat isa sa atin ay may mga taong pinahahalagahan…mga taong importante sa atin. at ang mga taong ito ay handa nating protektahan at ipagtanggol sa lahat ng oras.
at bawat isa sa atin ay may mga taong nagsisilbing ating tagapagtanggol. sila ang ating mga "hokage." at tayo ang kanilang mga "konoha."
at sa mga oras na ito e naiisip ko ang aking konoha — si ulrike.
ikaw ang aking konoha. poprotektahan kita ano man ang mangyari. walang sino mang ulupong ang pwedeng manakit sa iyo habang narito ako. "ang hokage ang namumuno sa bahay ng konoha. mahal niya ito at ang mga nakatira rito. iaalay niya ang kanyang buhay para sa bayan ng konoha."
talaga bang pag-inlove e nagiging baduy?
oo.
tulad ko. may konoha-hokage pang nalalaman. cheap.
hahahahaha. cheap talaga. baduy.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
pero totoo.
mahal na mahal kita "konoha" ng buhay ko.
February 10th, 2007 at 9:11 pm
sweet… tama nga naman…
pang-ilang manga na nababasa mo sa naruto?
February 11th, 2007 at 1:30 am
latest is chapter 341…kakuzu dies…
March 4th, 2007 at 4:25 am
wow… updated… ahaha… di nako umusad sa 219… waaaah… flooded kasi me lagi… di bale… will chat with you ulit and hopefully updated na rin ako… musta work pala… am sure you wouldn’t have a hard time finding another… =p
March 4th, 2007 at 6:12 pm
may 344 na…sasuke tries to kill orochimaru… LUPET!!!
March 5th, 2007 at 6:57 am
dyeah… am quite familiar with the plot… not the actual manga… di bale… will catch up after the tax season’s over… =p