3RD MONTHSARY
kahapon ay mayroong tatlong special events na nangyari. una ay ang hostage taking sa may liwasang bonifacio sa maynila. pangalawa, ang pagtatapos sa kolehiyo ng kapatid ko. sa wakas. panghuli, syempre, ang monthsary namin ng baby ko.
kwento.
alas-kwatro ng hapon simula ng graduation ni bunsot. alas-dos pa lang umalis na ako ng opisina. undertime. ayos lang. sa le pavillion yung venue. so pumunta akong lawton. balak ko sanang mag-fx hanggang edsa. kaso walang dumarating na fx. dala kasi nung hostage taking. sarado kasi mga kalye. so nag tren na lang ako.
pagbaba ko ng edsa station ay sumakay ako ng jeep na biyaheng mall of asia. muntik pang hulihin ng kotong cop yung driver dahil sa akin. sumakay kasi ako kahit bawal. ahahahaha. anyway, bumaba ako sa may malapit sa toyota. tapos nilakad ko na lang hanggang le pavillion. pucha ang init! syet!
ok forward. graduation rites na. dahil cruz kami, isa sa mga unang tinawag si bunsot. pagkababa niya ng stage, umalis na ako. dahil yung isa sa mga babae ng buhay ko (tatlo sila bale: si mamu, si bunsot at si baby ko) e papunta ng RP.
forward ulit. dumating na ako ng RP. nagkita na kami. pucha! ang ganda niya! ang sexy pa! bahala na kayo kung ano iisipin nyo sa akin pero di lang siya maganda, hot pa! nagpagupit siya. sa unang tingin di halata. pero pag tinignang mabuti e mapapansin naman. nagpa-layered siya. ah pucha ang ganda niya! bi ang ganda-ganda mo talaga kahapon!
akyat kaming 4th floor, bibili ng ice cream. nagke-crave kasi kami sa selecta moo ice cream. e wala. kaya ayun baba kami sa 3rd floor, puntang g-box, may nakitang nagtitinda ng belgian sundae cone, bumili kami, naglakad papasok ng g-box habang kumakain ng ice cream at magkayakap.
nang maubos na ang aming kinakain, bumili kami ng tokens. hehehehe. heto na. arcade to the beat na. marvel vs. capcom muna nilaro namin. gusto ko kasi siya bawian. tinalo niya kasi ako dun for three consecutive times dati. ayun nabawian ko naman. hahahaha. tapos tekken tag. 3-1 ang standing namin. hehehehe. tapos yung gem fighters na. taena talo ako. hahaha. kunwari di raw siya marunong. langya expert pala dun yung asawa ko. hahaha. ok lang. nag-enjoy naman ako eh. muntik na nga siya umabot sa final boss eh. dalawang kalaban na lang sana. kaso natalo na siya. sumakit na kamay. pero proud ako. galing eh. bawat panalo niya hinahalikan ko pa siya sa pisngi. hehehehe. after nun nag air hockey kami. talo ako. kasi naman may pampa-distract siya sa akin. ayun. tapos yung huli naming token eh pinanood niya ako maglaro ng jet ski ata. hehehehe.
after arcade e libot lang kami. kumain nang saglit sa wendy’s. tapos nakipagkita kina dadoy at bunsot sa chef d’angelo (9pm na nun). kumain kami together with my dad and sister. hehehehe.
matapos nun eh hinatid ko na siya sa kanila. sa jeep may nakatabi pa kaming amoy arabo. literal! pucha ang baho talaga! hahaha!
ang saya ng mansari namin. mas masaya kami ngayon. mas solid. mas malakas.
kimi wo ai shitsuzukeru, baby. i will keep on loving you, baby.
April 7th, 2007 at 9:24 am
ang sweet… makahanap nga rin ng kikiss sakin kada panalo ko ng arcade… hahaha… =p