4TH MONTHSARY
Sunday, April 29th, 2007QUIAPO - Quiet U I’m Pissed Off
IRAN - Ikaw Rin Ang Nawalan
HOLLAND - Hope Our Love Lasts And Never Die
INDIA - Inside Now Dahil Imbiyerna Ako
ilan lang sa mga kalokohang aming natutunan ni baby noong sabado, april 28, ika-apat na buwang mansari namin. ahehehe. saan namin natutunan? sa sinehan. "ang cute cute cute ang cute ng ina mo!" oo nanood kami. nagpaka-jologs kami. pero sulit naman eh. ahahaha! nakakatawa!
pero bago nun, nagkita muna kami sa ministop, p.noval st., near ust gate. syempre dahil mansari, nagpapogi ako. at dahil mansari, nagpaganda rin siya. but then again, maganda naman siya everyday. pero pag mansari mas gumaganda siya. blooming. wow! paano pa kaya sa anniv namin? tsk. baka dumugin kami ng mga fans namin. lalo na siya.
ok ok ok. nagpalamig lang ako sandali sa ministop (kasi galing ako sa mahabang lakaran). tapos tumuloy na kaming sm manila. deretso kaagad kaming quantum. gusto niya raw ng baril-barilan eh. ayun nag baril-barilan kami. tapos laro kami ng king of fighters. hahaha! talo ko siya! tapos karera. talo ako. wahahaha!
tapos naglibot kami sa sm. umakyat kami sa 5th floor, naghanap ng mauupuan at naglaro ng skul to finish. hehehe. tapos ayun nanood na ng cute ng ina mo at umuwi na.
parang ang boring noh? parang napaka-common at usual ng date namin noh? mukha lang pero hindi. hehehe!
ang sarap ng sinigang!