“STOP QUICK COUNT!” - yeah right…
naging ugali ko na ang magbasa ng headline ng mga dyaryo sa tuwing papasok ako sa trabaho para sa ganun eh kahit di ako makabili eh di ako nahuhuli sa mga balita. minsan nakikibasa sa katabi ko sa lrt. at kung sinuswerte naman ay nakakakuha ako ng libre o standard express bago sumakay ng tren.
kanina eto ang tumambad sa akin: pinahihinto raw ng malacaƱang ang quick count na ginagawa ng dalawang higanteng networks, ang ABS-CBN at GMA7. sumunod na rin ang comelec sa pakiusap na huwag nang ituloy ng nasabing networks ang pagbibilang ng mga boto.
napangiwi ako at nainis pagkabasa ko nito. oo may point ang comelec. tanging namfrel nga lang naman ang credited nila na maglabas ng mga partial count. pero ano ang dahilan ng malacaƱang? bakit sa mga nagdaang eleksyon e wala naman akong nabalitaang ganito lalo na noong 2004 presidential elections? hahaha! isa lang nasa isip ko. ito ay dahil tatlo lang sa mga manok ng pangulo ang pasok sa magic 12. at unofficial pa ito. maaari pang magbago ang ihip ng hangin. baka maging isa na lang. o dalawa. hahahaha!
tignan mo nga naman ang kapangitan ng ugali ng pokemon na yan. sore loser ka pikachu! wahahaha! pag ikaw ang lamang ayos lang sa iyo na mag quick count. pero pag talo ka, ayaw mong malaman ng iba. taena!
at teka! isa rin kayang dahilan e may balak na naman silang mandaya? tignan nyo: kung walang quick count, hindi kaagad malalaman ng madla ang resulta ng eleksiyon. tanging comelec at namfrel lang ang nakakaalam ng resulta. at dahil hindi nakikita ng taong bayan ang partial count, hindi mo masasabi kung sino talaga ang lamang sa kasalukuyan. at pag naglabas na ang comelec ng resulta, most likely, official at final na yun. ano ang kasiguraduhan natin na hindi dinoktor yung mga yun? di ba? pag may quick count, nakikita ang progreso ng bilangan. nape-predict kaagad ng taong bayan kung sino ang most likely na makakapasok sa magic 12. at pag biglang nagbago yung resulta, mas obvious na dinaya. pero pag walang quick count, mahirap patunayang dinaya kasi hindi nakita yung progreso at hindi nakapag-predict ang mga tao.
tsk. politika talaga sadyang kay dumi.