PDA = PARA SA MGA PANGIT LANG
Sunday, November 25th, 2007minsan ka na bang nasabihang "ang PDA nyo ng bf/gf mo!" at sa tono ng pananalita nila e sila pa itong naiinsulto? minsan ka na bang nasabihan na "wag nga kayong PDA!"? pwes, ngayon, pag may nagsabi ulit sa inyo n’yan, eto ang sabihin mo:
"excuse me! PDA is only for ugly couples."
(note: this is only applicable if you and your significant other are OBJECTIVELY good-looking people.)
ang terminong PDA o public display of arousal este affection ay ibinabansag sa mga magkasintahang grabe kung magyakapan as publiko o kaya’y nakakakitaan ng mga mushy actions sa harap ng madla. isang halimbawa ay ang mag-kiss in public. yun ding akbayan ay PDA na sa mata ng iba. masakit daw sa mata. nakakadiri raw.
pero kung ating titignang mabuti, nakakadiri nga ba? masakit nga ba sa mata? o kaya lang naman nasabing masakit sa mata ay dahil may mga taong gumagawa ng ganito nang hindi naaayon sa lugar, sirkumstansiya at itsura?
simulan natin sa lugar. dito talaga walang kawala. kumbaga dapat delikadesa ang pairalin dito. pag nasa simbahan ka ba at nagsisimba ay tama bang maglampungan kayo ng kasintahan mo? siyempre hindi. dito e pwede tayong magbansag ng PDA. pero paano kung yung lugar e public place gaya ng mall or park? ah diyan papasok ang sirkumstansiya. halimbawa binomba yung mall, naaayon bang mag-halikan kayo? hindi siyempre. kaya natatawag na PDA. e paano kung valentine’s day? ah d’yan papasok ang itsura.
kung makikita mo si brad pitt at angelina jolie na naghalikan sa labi (smack lang) in public, ano ang mararamdaman mo? malamang masi-sweet-an ka. or matutuwa. or mapapasabi ng wow. kahit ano pa ang maramdaman mo, hindi mo mararamdaman ang pandidiri. pag nakakita ka ng isang gwapong lalaki, hunk ang dating tapos may nakapalupot sa kanyang babae, sobrang ganda, sexy, parang model, sasakit ba ang mata mo? hindi di ba? parang wala lang. eto naman. imagine-in mo: naglalakad ka sa mall. tapos may masasalubong kang magkasintahan. yung isa mukhang paa, yung isa mukhang sawa. tapos nakita mong nagyayakapan sila at nag-kiss pa. matutuwa ka kaya sa nakita mo? baka nga masabi mo pang "ano ba ‘yan ang PDA naman?!" o sige gawin nating medyo mature. tutal open minded ka naman (siguro). pag magtalik sina antonio banderas at salma hayek sa harap mo (parang desperado scene ah), mandidiri ka ba? o sige subukan mong panoorin magtalik si diego at yung babaeng ulikba sa bubble gang? gaganahan ka ba? pucha maisip nga lang nakakadiri na e yun pa kayang makita.
so ano ang punto ko? eto: may mga bagay, aksyon o gawain na may inaayunang tao. may binabagayan. ang pagpapakita ng affection sa madla ay hindi masama. pero dapat iayon ito sa lugar, sirkumstansiya, at higit sa lahat sa itsura. natatawag lang na pangit ang isang bagay o gawain pag ang gumawa ay yung hindi dapat gumawa nung bagay na iyon.
tandaan: lahat ng tao may itsura, pangit nga lang yung iba.
"wala namang taong sobrang ganda eh. meron lang sobrang pangit." - imelda marcos
"ang tunay na kagandahan ay wala sa panlabas na kaanyuan. nasa loob yan." - motto ng mga pangit
beauty is not really in the eye of the beholder. because beauty is an objective part of reality. one cannot be subjective when asked to judge a very simple objective truth. beauty is judged objectively and cannot be otherwise.
;D