CLOSURE
Monday, February 11th, 2008sa wakas, matapos ang ilang taon, naging malinaw din ang lahat!
minsan, may mga tao sa buhay natin na akala natin ay nakalimutan na tayo. kaya hindi na rin natin sila iniisip pa. tapos magugulat ka na lang, pag nagkita kayo o nagkausap bigla, marami pala silang gustong itanong. mga tanong na naiwan na lang sa buhangin ng kahapon. natabunan. at sa tinagal ng panahon, nais din pala nilang mabigyan ng linaw ang lahat. tulad natin.
at ngayon nabigyan na nga ng linaw ang lahat.
ang sarap sa pakiramdam. parang tinik na natanggal sa isipan. parang mabigat na bagaheng nawala sa katawan.
ang saya!
salamat! ;D